ANG paglutang daw ni Ruby Tuason ay nagpalaÂkas nang husto sa kasong plunder sa mga mambabatas na nagsamantala umano sa kanilang PDAF. Ayon kay DOJ Secretary Leila de Lima, “slam dunk of evidence†daw ang testimonya ni Tuason laban kina Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.
Hindi ako abogado pero dapat maglabas muna ng mga dokumento si Tuason upang mapatunayan ang kanyang mga alegasyon kina Jinggoy at Enrile. Mahirap kung puro salita lang. Baka pag humantong na sa korte ay baka wala ring katuturan ang testimonya ni Tuason. Masyadong nagmamadali ang DOJ sa pagsasailalim kay Tuason sa Witness Protection Program. Pinangakuan na malilibre siya sa kaso.
Nagmamaktol tuloy ang “whistle blower†ng abogadong si Stephen Cascolan na kumakatawan sa mga testigong sina Baby Sula, Arlene Baltazar at Monnete Briones na pawang nagtrabaho kay Janet Lim Napoles. Ayon kay Cascolan, noong nakaraang Nobyembre pa nila hiniling sa DOJ at Ombudsman na mabigyan ng immunity sa kaso ang kanyang kliyente pero wala pang tugon dito samantalang kay Tuason anila ay napakabilis ang pag-aapruba dito.
Ang mamamayan ay nagnanais na makamtam ang katarungan dito at kailangang maparusahan ang mga lumustay sa pondo ng bayan. Maituturing na mabigat na ang mga testimonya at ebidensiya upang maisulong ang kasong plunder sa mga mambabatas. Sapat na ang mga testigo sa pangunguna ni Benhur Luy.
Kung walang mailalabas na dokumento si Tuason. hindi siya dapat tanggapin bilang state witness. Dapat din siyang makasuhan at mapanagot sa batas.
Masasaksihan naman sa idadaos na pagdinig ng Senate blue ribbon committee kung may mga dokumentong mailalabas si Tuason na magpapatunay sa kanyang mga alegasyon. Dapat imbestigahan ang lahat ng ari-arian ni Tuason at ilantad ang kanyang bank accounts para malaman kung nagkaroon ng deposits sa mga panahon na siya ay aktibong kumilos sa anomalya sa PDAF.