“S IGURO’Y nakarma ako dahil sa mga ginawa ko. Totoo talaga na kapag may ginawa kang hindi maganda sa kapwa mo, babalik din sa iyo at mas matindi pa. Siguro kaya ako na-stroke. Pero nangyari na iyon at nagpapasalamat ako na buhay pa…’’
“Hindi naman po halata na na-stroke ka Sir Basil. Walang pagbabago sa itsura mo.â€
“Wala nga, Drew. Maliban nga lang sa minsan ay nauutal ako at namamanhid ang aking kamay kapag may hawak. Siguro’y kailangan ko pang uminom ng gamot.’’
“Siguro nga po.’’
“Teka, sabi mo ay nagbabakasyon ka sa Mindoro at doon tumutuloy sa Tiyo Iluminado mo, madalas ka ba roon?â€
“Pag-summer lang po at semestral break.’’
“E kailan ka huling nagÂtungo roon?â€
“Last semestral break po.’’
“Siguro nakita mo ang nangyari sa bahay namin doon.â€
“Opo. Giba na.’’
“Ipinagiba ko na Drew.â€
“Bakit po?â€
“Kasi balak ko sana, doon na ako maglalagi. PaÂtatayuan ko sana ng konkreto pero kinausap ako nang masinsinan ni Gab. Huwag na raw. KaÂming dalawa na lamang ang magkasama ay magkaÂkahiwalay pa. Sinunod ko si Gab. Ayun kaya, giba na. May inupahan ako para gibain. Pero kahit minsan e hindi pa ako umuuwi roon. Mabigat ang dahilan kung bakit hindi ako basta makauwi…’’
“E paano po ngaÂyong giba na, nakatiwangwang.â€
“Oo nga. Bahala na. Kung may bibili, baka ipagbili ko. Si Gab ang magpapasya nun.’’
“Ano po ang dahilan at ayaw mong umuwi, Sir Basil?â€
Sasagutin na sana ang tanong ni Drew nang marinig nila ang pagdating ni Gab.
Gulat si Gab nang makita si Drew.
“Kanina ka pa?â€
“Oo.’’
“Marami na kayong napagkuwentuhan?â€
“Oo.’’
Nakatingin si Basil kay Gab.
(Itutuloy)