NAGKAROON ng physical fitness tests (PFT) ang Class ‘42 ng Officers Candidate School (OCS) ng Philippine Army (PA) noong nakaraang Hunyo. Sa OCS kasi mga kosa, hindi lang pag-aaral ang aatupagin ng mga estudyante kundi isasailalim din sila sa athletics para gumanda ang kalusugan. Siyempre, ang isa sa na-PFT ay ang estudyante na paborito ni Army chief Lt. Gen. Noel Coballes. Ang lahat nang miyembro ng Class ‘42 ay nagsagawa ng 50 push-ups alinsunod sa kagustuhan ni Maj. Cadano, ang head ng Non-Academics ng OCS. Siyempre, ang paboritong estudyante ni Coballes ay bumagsak sa PFT. Hindi ko alam kung may binitiwang salita si Cadano sa miyembro ng Class ‘42. Subalit imbes na ang estudyante ang parusahan dahil hindi nagawa ang 50 push-ups, si Cadano ang naparusahan. Pinagreport ni Coballes si Cadano sa kanyang opisina na naka-athletic uniform. Sa harap ng mga nakapalibot na video camera, pinag-push-up si Cadano nang 50 beses na nagawa naman niya, ayon sa open letter. Supervised pa ang PFT ni Cadano ng kanang kamay ni Coballes. Ang pinaka-masaklap, matapos maparusahan, na-relieve si Cadano sa puwesto n’ya. Hahaha! Anyare’ Gen. Coballes Sir?
Kung sabagay, sanay na si Cadano na mapagalitan ni Coballes. Sa isang floor inspection kasi ni OC Dagdag ng Class ‘41 isang linggo ang nakaraan, napuna niya ang isang miyembro ng Class ‘42 na may offense. Alam ni OC Dagdag na hindi niya puwedeng saktan o pagalitan ang kanyang underclass kaya minabuti niyang ibaling ang kanyang inis at galit sa paghampas ng kanyang kamay sa pader sa hallway. Aba, nagsumbong ang may offense na Class ‘42 sa paboritong estudyante ni Coballes at hayun, pinatawag si Cadano at Capt. Santos sa opisina ni CGPA at pinagalitan. Narinig pa ni Sgt. Leal ang bida natin na “Isusumbong ko ‘yan at dapat maireport si OC Dagdag ng maltreatment.†Dahil dito, na-relieve si Col. Santos, ang commandant ng OCS, at sina Capt. Santos at Capt. Buban. Hehehe! May sakit na relieve pala si Coballes, ‘no mga kosa?
Sinabi pa sa open letter na nalaman din ng mga natirang opisyal ng OCS na sina Capt. Camaganacan, Capt. Timbal at Capt.Tabamo na may isang PFC Esperanza ang siyang taga-bigay ng cell phone, alak at pagkain dito sa paboritong estudyante ni Coballes. Nahuli pa nga mismo nina Capt. Camaganacan at Tabamo si Esperanza sa barracks ng mga babae. Pero imbes na patawan ng nararapat na kaparusahan si Esperanza, na-relieve lang siya at nare-assign sa SID. Nakumpiska rin ni Capt. Tabamo ang camera ng Class ‘42 kung saan naglalaman ito ng video na nag-iinuman o nagseselebra ang klase sa pagka-relieve nina Col. Bondoc, Capt. Santos at Capt. Buban. Ano ba ‘yan? Hehehe! Magulo pala ang OCS ng PA ngayon dahil sa paboritong estudyante ni Coballes. Teka nga pala! Kaanu-ano ba talaga ni Coballes ang paborito niyang estudyante? Abangan!