1. Chocolate—dahil sa taglay nitong methylxanthines na delikado sa kanila.
2. Apricot—may matigas itong buto na puwedeng humarang sa kanilang lalamunan at mabulunan ito.
3. Alak—may ingredients ito na lason ang epekto sa pets.
4. Avocado—may persin ito na makakalason hindi lang sa aso at pusa kundi sa ibon, rabbit, guinea pig.
5. Macadamia nuts/walnuts—may substance ito na lason naman sa pets.
6. Ubas at Pasas—sapat na ang isang piraso para makamatay sa inyong pet lalo na kung maliit ito.
7. Xylitol (artificial sweetener)—kadalasan ay liver ang sinisira nito hanggang sa mamatay ang pet.
8. Apple seeds—may cyanide na nakamamatay.
9. Cherry—may matigas na buto na puwedeng humarang sa lalamunan.
10. Kape at tsaa—may theobromine at caffeine na extremely dangerous sa pets. Puso nila ang napeperwisyo.
11. Bawang—hindi kaagad mamamatay ngunit magkakaroon ng damage ang red blood cells. Hihina ang kanilang katawan at hindi na makakatayo.
12. Mushroom
13. Sibuyas—may sulfoxides at disulfides, na sisira sa red blood cells at magiging dahilan ng anemia.
14. Dahon at tangkay ng kamatis—delikado ito kung may tanim kaya sa inyong bakuran ng kamatis. At sa bakuran laging naglalaro ang inyong pets. May pagkakataong puwede nilang nguyain ang mismong halaman. May tomatine ito na makasasakit ng tiyan at magdudulot ng panghihina at ataxia (nawawalan ng control ang body movement).
15. Buto ng chicken—kapag luto ay nagiging malutong kaya delikadong matinik kapag ngunguyain.