TULOY din pala ang paghahain ng kaso sa 12 tao na nahuling nagtatapon ng basura sa Quezon City noong 2012. Ang maghahain ng kaso ay ang Metro Manila Development Authority (MMDA). Ayon sa MMDA ang 12 ay nahuling nagtatapon ng balat ng candy, tiket ng bus, upos ng sigarilyo sa kalsada sa Cubao at sa loob mismo ng Metro Rail Transit sa North EDSA noong Agosto hanggang Oktubre 2012. Ang parusa sa mga nagtapon ng basura ay multang P300. Ang 12 ay lumabas sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Mabuti ang aksiyon na ito ng MMDA. Maraming nag-aakala na wala nang mangyayari sa mga nahuling nagtapon ng basura. Maraming nag-iisip na “ningas-kugon†lamang ang MMDA. Masigasig lamang sa simula pero habang tumatagal ay nauuwi rin sa wala. Gaano na ba karaming batas sa bansang ito ang nilaÂlabag dahil wala namang pagsisikap ang mga awtoÂridad na ipatupad nang maayos. Walang pagpupursigi. Walang political will. Pinagpagurang gawin ang batas pero hindi naman ipinatutupad.
Ngayong ipagpapatuloy pala ang pagkaso sa 12 nagtapon ng basura, gawin na ito para naman maipakita sa ibang nagtatapon na hindi natutulog ang MMDA. Sa aming palagay maraming mahuhuli ang MMDA kung magkakaroon lamang ng sigasig sa pagbabantay. Sa mga pasahero na lamang ng bus, jeepney at maski sa mga pribadong sasakyan, maraming nagtatapon ng basura --- pinagbalatan ng prutas, mani, tissue paper at mga balat ng kendi. Araw-araw ay maraming nagtatapon. Baka daang tao ang mahuling nagtatapon kung magiging mapagmatyag ang MMDA.
Ang mga basura ang nagpapabara sa mga daluyan ng tubig. Napatunayan na ito sa mga nagdaang baha sa Metro Manila. Karamihan sa mga basurang tinatapon ay hindi natutunaw (non-biodegradable) kaya bumabara sa loob nang maraming taon.
Naniniwala kaming magiging masigasig ang MMDA sa paghuli sa mga nagtatapon ng basura. Sana, maÂmulat ang lahat at iwasang magkalat.