“A NO ’yang dala mo Drew, cake?†tanong ng daddy ni Gab.
“Opo. Pasalubong ko po sa inyo ni Gab.’’
“Salamat. Mabuti at mayroon tayong mamemeryenda habang nagkukuwentuhan. Sana ay bumalik agad si Gab. Pero kung hindi agad siya makabalik, e wala namang problema dahil narito ako.’’
“Oo nga po.’’
“Ipatong mo ang cake sa mesa.’’
Ipinatong ni Drew.
“Saan ka na nakatira Drew?â€
“Sa may North Edsa po --- malapit sa Veterans.’’
“Ah, malapit sa Agham Road dun sa may bagong gawang mall.’’
“Lampas pa po roon. Malapit na po kami sa SM.’’
“Ah oo. Madalas akong maÂkarating diyan noong araw na hindi pa ako nagkakasakit. MaÂlakas pa ako noon. Naghahatid ako ng padala ng mga kasamahan ko sa Saudi.’’
“Nag-Saudi ka raw nga po. Dating OFW.’’
“Oo. Matagal akong nagtrabaho sa Riyadh. Dati akong documentation clerk sa Royal Navy. Medyo malaki rin ang naging sahod ko dun. Itong bahay na ito ay nabili ko. Meron din akong FX nun, pero naibenta na.’’
“Iisa lang po si Gab? I mean solong anak mo po.â€
“Oo. Mahirap din pala kapag iisa ang anak. Walang kasama sa bahay. Kagaya nung isang araw na namanhid ang braso ko. Ang hirap na walang tutulong sa’yo.’’
“Ang mommy po ni Gab?â€
“Patay na. Noon pa.’’
Napatango si Drew.
“Teka buksan na natin ang cake mo at nang makain na natin.’’
“Sige po.â€
Binuksan ni Drew ang cake.
“Kumuha ka ng kutsilyo at platito sa kitchen, Drew. KuÂmuha ka na rin ng iinumin mo sa ref. May juice dun. Ako water lang.’’
“Opo.â€
Nagtungo si Drew sa kitchen. Kumuha ng kutsilyong pang-slice at saka platito.
Nang bumalik ay hiniwa ang cake. Binigyan ang daddy ni Gab.
“Sige Drew. Kain ka na rin.’’
Nagsimula silang kumain.
“Meron nga po pala akong saÂsabihin. Kakatawa po pero hanggang ngayon ay hindi ko pa po alam ang name n’yo. NaÂkalimutan po ni Gab sabihin.
Nagtawa ang daddy ni Gab.
“Tingnan mo ang Gab na iyon at hindi sinasabi ang name ko. Ako si Basil. Basilio ang name ko.’’
Gustong itanong ni Drew, kung alam niya si alyas “uokâ€.
(Itutuloy)