SA isang tasang kape na dating matamis, nasobrahan sa timpla at pumait… maihahalintulad ang pagsasama ng mag-asawang Toledo.
Nung nakaraang buwan, nagsadya sa aming tanggapan ang misis na si Arlene Toledo, 38 taong gulang ng San Jose, Del Monte, Bulacan. Nirereklamo ni Arlene ang umano’y pagkakaugnay ng kanyang asawang si Rodolfo Toledo o “Rodâ€---kasalukuyang cashier sa Starbucks Coffee, Kuwait sa isang ‘Pinay Worker’ sa Kuwait.
Matapos maitampok sa radyo ang problema ni Arlene, isinulat namin ito sa pitak at aming pinamagatang “Ang babae sa lobbyâ€. Sa isang pagbabalik tanaw, taong 2008 ng magsimulang mangamoy ang balitang may babae daw ang kanyang asawa sa Kuwait. Wala namang makapagbigay ng ebidensya kay Arlene sa umano’y pambabae kaya’t ‘di niya ito pinansin nung una. Dumating ang taong 2011 iba’t ibang kwento na ang nakarating kay Arlene tungkol sa babae nito na madalas makitang kasama daw ni Rod sa ‘lobby’.
“Hindi ko naman alam kung sino ang babae. Basta dating katrabaho daw ng asawa ko yun,†ayon kay Arlene.
Kinompronta niya ang mister tungkol dito subalit giit nito wala siyang iba.
Bago matapos ang taong 2013, nabalitaan ni Arlene na nagsasama na daw ang dalawa sa Kuwait. Buntis daw ang babae at umuwi pa sa Pilipinas para dito manganak. Tuluyan mang nag-iwasan. Patuloy naman daw nakakatanggap ng tsismis itong misis. Ayon sa kanya, pinalalabas daw nitong si Rod na kaya siya hiniwalayan nito ay dahil meron siyang lalake. Bagay na kanya namang itinanggi.
“Niraspa po kasi ako. Nabuntis daw ako pero hindi naman yun ang totoo. Nangapal ang matres ko,†ayon kay Arlene.
Ito ang dahilan ng pagpunta ni Arlene sa aming tanggapan. Gusto niya malaman kung may iba na ba talaga si Rod at kung kasal na ba siya sa Kuwait. Itinampok namin si Arlene sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
Inihingi namin ng tulong si Arlene kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA). Agad naming ini-‘email’ ang impormasyon ni Rod para maipaalam niya sa ating embahada sa Kuwait at malaman kung totoo nga ang mga hinala ng misis.
Parehong araw, bandang 12:00 ng gabi. Bigla na lang tumawag itong si Rod kay Arlene at siya’y kinausap.
“Galit na galit po siya. Bakit pa daw po ako nagreklamo? Tinawagan daw siya ng Consul General at pinag-rereport siya sa embassy… Pati daw trabaho niya naabala,†kwento ni Arlene.
Pinaliwanag ni Arlene na hindi siya nagsumbong. Gusto lang niya malaman ang totoo. Kung may ibang pamilya na siya sa Kuwait? Matigas na sabi naman daw ni Rod, “Bakit ka maniniwala sa sabi nila? Nakakatulong ba sila sa’yo?†Sumunod na araw tumatawag muli si Rod subalit hindi na ito nasagot ni Arlene dahil oras ng kanyang ‘break time’ at umidlip siya. Bago pa iparating sa amin ni Arlene ang balitang ito. Nakatanggap na kami ng email mula kay Consul General Raul Dado, ng Kuwait. Base sa email: Good am sir, Spoke to Rod Toledo on the phone last night, he says he will call his wife. I’ll also see him in his place ASAP. He claims they’re estranged but I read him his rights and obligations. He commits to making amends. I will follow through and update. All the best! ---emailed January 9, 2014 at 3:30PM
Ayun, pinaalalahan na naman pala itong si Rod sa kanyang responsibilidad at obligasyon niya sa naiwan niyang pamilya sa Pilipinas. Matapos ireklamo ni Arlene ang mister, sumbong nito mas bumaba ang padala niya ng pera.
“Tatlong libo lang po ang pinadala niya nitong Enero. Parang iniipit niya talaga ako, para siyang nang-aasar,†ani Arlene.
Ika-23 ng Enero 2014 bumalik sa amin si Arlene. Itinampok namin siyang muli sa “CALVENTO FILES†sa radyo, “HUSTISYA PARA SA LAHATâ€.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pinaliwanag namin kay Arlene na kung patuloy siyang gigipitin nitong si Rod sa pagsusustento sa kanyang anak maari siyang magsampa na ng kasong Petition for Support. Pagdating naman sa binubwelta sa kanya ng mister na siya’y may lalake at nabuntis dahilan ng kanyang pagpaparaspa, sinabi namin kay Arlene na hindi sapat na batayan ito para bigla na lang silang talikuran ni Rod. Kailangan niya munang ipawalang bisa ang kanilang kasal bago siya humiwalay at makisama sa iba. Mag-file siya ng ‘annulment’.
Ipinakita sa amin ni Arlene ang kopya ng Transvaginal Ultrasound na isinagawa sa kanya ika-21 ng Pebrero 2013 ni Radiologist/Sonologist Dr. Hulao, MD, DPBR ng Kairos Maternity and GeneÂral Hospital, San Jose Del Monte Bulacan. Base sa findings: nangaÂngapal ang endometrium (bahagi ng matres) ni Arlene. Impression: Average sized anteverted Uterus with Thickened Endometrium. Nabothian Cyst. Ovarian Cyst, Right, likely physiologic.
Diretso naming tinanong si Arlene kung hindi na ba sila maaring magkaayos nitong si Rod. Sinabi niyang hindi naman niya sinasaradong maari pa subalit sa ngayon ang gusto lang niya ay ang karapatan ng kanilang anak sa kanyang ama. Huwag naman daw sanang talikuran ni Rod ang pagiging ama sa bata. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes hanggang BiyernesÂ.