Kaliwat-kanan ang insidente ng krimen. Patuloy pa sa pagtaas.
Hindi basta krimen tumitindi pa ito lalu’t ang ibang simpleng pangyayari ay naibubuwis pa ang buhay.
Ang dating street crime na holdap--nadadamay ang buhay.
Ang matindi pa rito rekord ng krimen nadodoktor kaya’t matindi rin ang babala ng PNP sa kanilang mga tauhan at pinatindi pa ito.
Sa pagdami ng krimen, siya ring pagdami ng mga kasong nakabinbin sa iba’t ibang hukuman. Natatambak, taon ang binibilang hindi pa nahahatulan.
Hindi lang naman kasi sa pag-aresto sa isang suspect natatapos ang pagkuha ng hustisya kundi hanggang sa mahatulan at madesisyunan ang kaso.
Ito ang five pillars ng criminal justice system na kailangan maipatupad --kabilang dito ang komunidad, law enforcement, prosecution, judiciary at correctional.
Kailangan kumpleto ang sistemang ito para masabing maayos na napapairal ang hustisya.
Kapag ang isa ay pumalpak--bagsak ang sistema.
Ayon sa batikang abogado, si Atty Orlando Salatandre sa law enforcement lamang may mga pulis na sila ang dapat magpatupad ng batas eh nasusumpungan pa minsan na sila mismo ang lumalabag.
Matagal na ang ganitong problema, tulad na lang sa nsidente ng ‘Demosthenes Canete kidnaping’ sa Cavite na ang mastermind ay dating Vice Mayor ng Dasmarinas Cavite na si Victor Carungcong at isa pang suspect ay Chief Inspector Exequiel Cautiver na Training officer ng SAF ng PNP. Noon nakaraang linggo lamang ay naengkwentro ng QC police ang huling suspect na si dating PO1 Reniel Abugado. Lahat sila mga awtoridad.
Pagdating naman sa Judiciary , maraming matagal nang nakabimbing kaso sa mga korte. Ang ibang kaso ay santambak ang malalakas na ebidensiya -- umamin pa ang ibang suspect pero -- dahil sa teknikalidad hirap pagulungin ang mga hustisya.
Sa pareho rin kasong ‘Canete kidnapping’, banggitin din natin ang correctional system, pagtrato sa jail o kahit sa detainee pa lamang na nakabimbim ang mga kaso. Reklamo ng pamilya Canete, aba’y nakakapag social networking sa loob ng Metro Manila District Jail ang akusadong si Cautiver. sinabi ng pamilya ng biktima at nairekord pa nila na gumagamit pa ng alias na cougar ang akusado bukod pa sa nakakapag facebook ito sa loob ng piitan.
Hindi lang ang ganitong kaso na tulad na sa ‘Canete kidnapping’ ang may ganitong suliranin, maÂging sa iba din. May mga insidente pa nga na nakakalabas ang isang nakakulong.
Ilan lang ito sa mabagal na pag usad ng criminal justice system sa bansa na maraming aspetong may impluwensiya ang ibat ibang sektor. Kaya nga masasabing Pinas matagal bago makamit ang tunay na hustisya sa bagal ng imbestigasyon, paglutas sa kaso, pagdinig at paghatol dito.