DAHIL sa tumataas na bilang ng mga karumal-dumal na krimen, marami ang mga naniniwala na dapat nang ibalik ang death penalty sa bansa.
Sinabi ni Senator Vicente Sotto, hindi daw kasi nakakatulong ang hatol na habambuhay na pagkakakulong sa pagsugpo ng kriminalidad.
Ang “mahina†at mabagal na criminal justice system ang inginungusong dahilan ng Malakanyang.
Ang hudikatura ay isa lamang sa mga sangay ng gobyerno.
Bago magkomento, mahalagang maunawaan muna ng mga nasa hanay ng ehekutibo kung epektibo ba ang crime prevention at crime solution ng mga nagpapatupad ng batas.
Ang problema, kapag may mga nahuhuling kriminal marami sa mga alagad ng batas ang palpak at bara-bara kung mag-imbestiga.
Kaya kapag umakyat na sa korte ang kaso, madalas nababasura.
Kahapon, sinabi ni President Noynoy Aquino na “persepsyon†lang ang mataas na bilang ng kriminalidad sa bansa.
Taliwas ito sa inilabas na datus ng Philippine National Police na lomobo sa isang milyon ang bilang ng mga naitalang krimen sa buong 2013.
Naninindigan ang Palasyo na hindi sila sang-ayun sa pagpapanumbalik ng death penalty hangga’t hindi naaayos ang criminal justice system.
Sa pagsugpo ng kriminalidad, wala sa hustisya ang problema.
Ang ugat ng problema ay ang kakulangan, kaburaraan at kapalpakan ng mga alagad ng batas sa pag-iimbestiga at ang kahinaan sa pagtitiyak ng katahimikan at seguridad ng bansa.