Uok (49)

“BAKIT may sakit ba ang daddy mo, Gab?” tanong ni Drew.

“Oo.’’

“Ikaw lang ba ang nagbabantay?’’

“Oo.’’

Natahimik sila. Narinig ni Drew ang buntunghininga ni Gab. Parang may mabigat na problema ito.

“Sige, Gab. Salamat, akala ko kasi puwede tayong magkita.’’

“Sorry ha. Teka, ano ba ang dahilan at gusto mong magkita tayo?”

“Wala lang. Mangungumusta lang.”

“Ah. Okey naman ako. Hindi nga ako papasok ngayon dahil binabantayan ko si Daddy.’’

“Yung kuwintas mo?”

“Nakatago. Hindi ko na sinabi kay Daddy na nawala iyon at muling natagpuan. Marami pang paliwanagan kung bakit nawala.’’

“Oo nga. Nasa iyo na naman kaya maski hindi mo na ikuwento.’’

“Pero alam mo, nabunutan ako ng tinik nang ibigay mo sa akin ang kuwintas. Talagang hindi ko akalain na maisasauli sa akin iyon.’’

“Siyanga pala Gab, sinabi ko na kay Tiyo Iluminado na binigay ko na sa’yo ang kuwintas. Takang-taka siya kung paano kita nakita at naisauli ang kuwintas.’’

“Sinabi mo na nagpapasa-lamat ako?”

“Oo.’’

Natahimik uli sila. Napabuntunghininga muli si Gab.

“Sige Gab. Next time na lang uli.’’

“Sige Drew, bye.’’

MAKALIPAS ang isang linggo, nagkita sina Drew at Gab sa sakayan ng dyipni sa North Edsa. Dun sa sinakyan nito nang ihatid niya. Pagsakay ni Drew ay nakita niya si Gab na nasa dulo ng upuan.

Lumipat siya sa tapat ni Gab.

“Nagbayad ka na?” tanong niya.

“Oo.’’

“Saan ka pupunta?” tanong uli niya.

“Sa bookstore. Ikaw?”

“Sa office ng daddy ko. May pinakukuha.’’

Umalis na ang dyipni. Hindi sila makapag-usap.

Hanggang sa makarating sa bookstore. Pumara si Gab. Parang nagmamadali.

“Sige Drew, bababa na ako.’’

“Bye.’’

Umalis ang dyipni. Pero pinalayo lang ng konti ni Drew at bumaba na rin siya. Susundan niya si Gab sa bookstore.

Nakita ni Drew si Gab na nagbabasa. Sinubayba-yan niya. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakikita ang tirahan nito.

Makalipas ang kalaha-ting oras, umalis si Gab. Sinundan ni Drew. Sumakay ng pedicab. Sumakay din siya at pinasundan ang sinasakyan ni Gab. Humantong sa mga kabahayan.

Nakita niya ang tirahan ni Gab.

 

(Itutuloy)c

Show comments