^

Punto Mo

Uok (47)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGSABI ng totoo si Drew. Hindi siya maru-nong magsinungaling.

“Dad, tuwing umaga sa pagdungaw ko sa bintana na nasa tapat ng batalan ay nakikita ko si Gab na naliligo. Noong una, hindi ko talaga sinasadya ang pagkakita sa kanya habang naliligo. Pero ng mga sumunod na umaga na pagdungaw ko uli ay naliligo na naman siya. Wala akong magawa kundi panoorin siya. Kasi naman ang ganda talaga niya. Kasalanan bang mahumaling sa magandang babae na katulad niya, Daddy?’’

Hindi agad nakasagot ang daddy ni Drew. Nag-isip muna. Saka napatangu-tango at inakbayan si Drew.

“Sabagay, maganda naman talaga si Gab. At ikaw ay isang tunay na lalaki na naaakit sa kagandahang naliligo sa batalan.”

“Kaya lang Dad, parang naging addict na ako na sa tuwing umaga ay inaabangan ko na siyang maligo. Basta lagi kong hinahanap-hanap na tuwing alas siyete ng umaga ay nakapuwesto na ako sa may bintana.’’

“E kasi nga tunay na la-laki ka at ang tendency mo ay makita ang kabuuan ng babaing hinahangaan mo. Hindi ka mapakali hangga’t hindi nakikita ang babae.’’

“Ganun nga Dad.’’

“Nalaman ba ni Tiyo Iluminado mo ang iyong ginagawa?’’

“Hindi po.’’

Napatangu-tango uli ang daddy ni Drew. “So, iyon ang dahilan kaya sure ka na kay Gab nga ang kuwintas? Tala-gang hindi ka nagkakamali.”

“Opo. Yun pong sinabi ni Gab na natakot siya sa alupihan e totoo po dahil nakita ko ang pangyayari.’’

Nagtawa ang daddy ni Drew. “Talaga palang nasubay­bayan mo si Gab. Walang mai-lilihim sa’yo.’’

“Nahihiya nga po ako Dad kay Gab. Wala siyang kamalay-malay na nakita ko na ang kanyang body beautiful.’’

“Well, hindi mo naman sinasadya ang lahat. E ano ang balak mo kay Gab ngayon?’’

“Ibinigay po sa akin ang cell number niya. Gusto ko maging kaibigan si Gab.’’

“E di ligawan mo na!’’

‘‘Saka na lang Dad.’’

‘‘Baka maunahan ka pa. Yung gandang yun, tiyak na maraming magkakainteres. Pero huwag ka munang mag-aasawa ha. Mag-aabogado ka pa.’’

“Opo Dad. Pero gusto ko munang makita ang daddy ni Gab. Si ‘Uok’’’. Gusto kong malaman kung totoo nga bang “maninira” siya.’’

“Ikaw ang bahala. Imbes­tigahan mo kung sino ba si ‘Uok’.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Ang hindi nasabi ni Drew sa daddy niya ay ang pagkuha niya ng pictures kay Gab habang naliligo sa batalan.

Muling tiningnan ni Drew ang mga kuha niya sa iPhone. Ano kaya at i-delete na niya ang mga ito.

(Itutuloy)

 

DREW

GAB

NIYA

OPO DAD

PERO

SAKA

TIYO ILUMINADO

UOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with