INATAKE sa puso ang isang corrupt senator habang nakikipagÂlandian sa kama ng kanyang ‘tsiks’. Kaagad umakyat ang kanyang kaluluwa sa gate ng langit at nadatnan si St. Peter na nakatayo roon.
“Welcome Mr. Senator!â€
Palibhasa ay guilty sa pangungurakot at sobrang pambababae, agad itong nagtanong kay St. Peter, “Saan po ako dadalhin, sa langit o sa impiyerno?â€
“May bagong rules na ipinatutupad ngayon ang ‘higher ups’. Ang bagong dating na kaluluwa ay kailangang manatili ng isang araw sa impiyerno at isang araw sa langit. Then, saka ka papipiliin kung saan mo gustong manatili forever. Ano ang gusto mong unahing puntahan?â€
“Sa impiyerno muna.â€
Sa isang iglap ay natagpuan ng corrupt senator na siya ay nasa entrance ng impiyerno. Halos lumuwa ang kanyang mata sa bumungad sa kanya — sa isang malawak at napaka-gandang palasyo ay nagkalat ang mga hubad at seksing babae. Wow! Naroon ang mga kaibigan niyang pulitiko na masayang sumalubong sa kanya. Sinilbihan siya ng mga babae ng caviar, mamahaling alak at kung anu-anong masasarap na pagkain. Magdamag silang nagpasasa sa pagkain at mga babae. Ayaw pa sana niyang umalis ngunit sinundo na siya ni St. Peter para mag-stay naman ng isang araw sa langit.
Okey naman sa langit. Tahimik, maayos ang paligid at mara-ming nagsisiawit na mga anghel. Sa isip lang ng corrupt senator: “Boring dito. Hindi ganito ang type kong ambiance.†Kaya nang pinapili siya ni St. Peter, impiyerno ang pinili niyang lugar para doon mamalagi sa habang panahon. Ang huling paalaala ni St. Peter, “Hindi puwedeng palitan ang iyong napili.â€
Kaagad siyang ibiniyahe sa impiyerno. Kung noong una ay nagulat siya sa hitsura ng impiyerno, ngayon doble ang gulat na naranasan niya pagkarating sa impiyerno: Pulos basura ang nakapaligid, masansang ang amoy ng basura, walang pagkain, mga madudungis na babae ang naroon, ang mga kaibigan niyang pulitiko na nakasuot ng magaganÂdang damit nang una siyang bumisita at sira-sira ngayon ang suot at nanlilimahid. Winelkam siya ni Satanas sabay akbay sa kanya. Hindi nakatiis na magtanong ang corrupt senator.
“Kahapon lang na narito ako ay napakaganda ng impiyerno. Anong nangyari? Bakit napakarumi na dito?â€
Ngumisi si Satanas at saka nagsalita at humalakhak ng ubod nang lakas.
“Kahapon ang panahon ng kampanya. Ngayon ay araw ng botohan. Kami ang ibinoto mo. Next time, vote wisely! Har-har-har-har!â€