^

Punto Mo

EDITORYAL - Pag-aralan: Pagbabalik sa parusang bitay

Pang-masa

MGA batang babae ang ginagahasa at pinapatay. Noong Biyernes, isang 10-anyos na batang babae ang ginahasa at pinatay saka itinapon sa imburnal. Nangyari ang krimen sa Naic, Cavite. Ayon sa Cavite police, mga drug addict ang pumatay sa bata.

Bago ang krimen sa Naic, isang 6-anyos na batang babae rin ang  ginahasa at pinatay ng isang drug addict sa Plaza Dilao, Paco, Manila noong nakaraang Linggo (Enero 19). Natagpuan ang bangkay ng bata sa bahaging damuhan ng plaza. Naaresto ang suspect na si Mark Avila, 34, pedicab driver at inamin ang krimen. Nagawa raw niya iyon dahil naka-droga siya.

Noong nakaraang linggo, isang turistang Amerikano ang hinoldap at pinatay ng apat na lalaki sa Malate, Manila. Naaresto ang apat na holdaper kamakalawa. Noong Martes isang barangay kagawad sa Pasay City ang binaril at napatay ng riding-in-tandem. Nang araw ding iyon, isang bus sa EDSA ang hinoldap ng tatlong lalaking armado ng baril at patalim. Kinuha ang cell phone at pera ng mga pasahero.

Noong Biyernes, nasabat ng PDEA ang 272 kilos ng shabu sa Parañaque City na nakakarga sa Mitsubishi Adventure. Nakalagay sa mga kahon ang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon.  Tatlong lalaki ang inaresto. Noong nakaraang linggo, sinalakay ng PDEA ang isang shabu lab sa isang condo unit sa Global City Taguig. Nakakumpiska nang maraming shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso. Sinalakay din ang isang condo unit sa Makati na gawaan ng shabu. Marami ng shabu ang nakumpiska.

Parusang kamatayan ang nararapat sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Ang kawalan ng mabigat na parusa ang dahilan kaya wala nang takot ang mga kriminal. Nilalaro-laro na lamang nila ang pagpatay, pagnanakaw at pagpapakalat ng droga. Nakakababahala na ang ginagawa ng mga kriminal. Mas-       ki si dating President at Manila Mayor Erap Estrada ay pabor sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Panahon na para pag-aralan ng Kongreso ang pagbabalik ng death penalty. Ito lamang ang nakikitang paraan para mapigilan ang lumalalang krimen sa buong bansa. Kung mayroong mali-lethal injection, magkakaroon ng takot ang mga kriminal.

 

CAVITE

GLOBAL CITY TAGUIG

ISANG

MANILA MAYOR ERAP ESTRADA

MARK AVILA

MITSUBISHI ADVENTURE

NAARESTO

NOONG BIYERNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with