EDITORYAL - Illegal drugs ang ugat ng krimen
KAHAPON, isang batang babae na naman ang ginahasa at pinatay. Nangyari ang krimen sa Naic, Cavite. Karumal-dumal ang ginawa sa bata sapagkat pinalo pa sa ulo. Ayon sa mga pulis, nasa impluwensiya ng illegal na droga ang salarin. May mga suspect na ang Cavite PNP pero nag-iipon pa ng ebidensiya.
Noong nakaraang Linggo, isang batang babae ang natagpuan sa madamong bahagi ng Plaza Dilao sa Paco, Manila. Ginahasa rin ang bata saka pinatay. Naaresto na ang criminal at inamin na nakadroga siya kaya nagawa ang karumal-dumal na krimen. Iniharap kay Manila Mayor Joseph Estrada ang ra-pist at nasabi nito na dapat itong bitayin.
Droga ang ugat ng mga karumal-dumal na krimen sa kasalukuyan. Maraming beses nang lumabas sa pag-aaral na ang pagkagumon sa shabu at iba pang bawal na droga ang dahilan kaya may mga krimen sa lipunan. Kapag nasa impluwensiya ng bawal na droga, wala nang naiisip kundi gawin ang dinidikta ng isip. Sarado na o manhid na kaya wala anumang gagawin ang lahat --- magnakaw, manggahasa, mangholdap at kapag pumalag, papatayin ang biktima.
Talamak na ang pagkalat ng illegal na droga sa bansa. Hindi lamang sa Metro Manila nag-ooperate ang sindikato ng illegal drugs kundi maging sa probinsiya man. Kahit ang mga kabataan na nasa liblib na lugar ay ginagawa na ring halimaw dahil sa pagkalat ng illegal na droga. Ang mga traysikel at pedicab drayber ay madali nang makabili ng shabu sa kasalukuyan.
Paigtingin ng PDEA at iba pang drug enforcement agencies ang paglipol sa drug syndicates. Ginagawa nilang “drug haven†ang bansa sapagkat alam nilang maluwag ang batas dito. Madali silang makalusot sapagkat kayang “tapalan†ang mga awtoridad. Iligtas ang bansa at mamamayan sa mapaminsalang droga.
- Latest