NARITO ang ilang executives na nagtagumpay sa kanilang career pero sa bandang huli ay nabistong imbento lang pala ang mga inilagay nila sa kanilang ‘resume’.
Chef Robert Irving
Inilagay niya sa resume na siya ang nagdisenyo sa wedding cake nina Prince Charles and Princess Diana. Noong 2008, tinanggal si chef Robert Irving sa kanyang TV show sa Food Network na Dinner Impossible matapos mabisto ang kanyang kasinungalingan. Ang totoo, kinatulong lang siya sa paghahanap ng prutas na gagamitin sa royal wedding cake. Isa siyang estudyante noong panahong iyon ng cooking school na gumawa ng wedding cake.
Jeffrey Papows, President ng IBM’s software maker Lotus Development
Dinaya niya ang kanyang academic at military background. Inilagay niya sa resume na siya ay piloto pero air traffic controller lang pala. Sinabi niyang Captain ang kanyang posisyon pero first lieutenant lang pala sa Marines. Nagtapos siya ng PhD sa Pepperdine University, kilala sa Business Management course, pero sa isang unaccredited correspondence school lang pala nagtapos. Palibhasa ay mahusay magtrabaho kaya nanatili siya sa kanyang posisyon. Tinanggal lang siya matapos kasuhan ng sexual discrimination ng isa niyang tauhan.
Scott Thompson, dating Chief Executive Officer ngYahoo
Napaniwala ni Scott Thompson ang Yahoo, na nagtapos siya ng computer science sa Stonehill College. Ngunit ang totoo, accounting pala ang natapos niyang kurso. Ito ang open letter na inilathala ng Yahoo sa publiko kung bakit nagpasiya silang tanggalin si Thompson:
“If Mr. Thompson embellished his academic credentials we think that it 1) undermines his credibility as a technology expert and 2) reflects poorly on the character of the C.E.O. who has been tasked with leading Yahoo! at this critical juncture. Now more than ever Yahoo investors need a trustworthy C.E.O.â€