NABIGLA si Drew. Bakit ba niya nasabi si Uok kay Gab.
‘‘Ah wala, nasabi ko lang. Sorry.’’
Pati ang daddy ni Drew ay napatingin kay Drew.
“Marami pong salamat sa kuwintas ko,’’’ sabi ni Gab sa daddy ni Drew. ‘‘Mahalaga po sa akin ito, Sir.’’
‘‘Hindi ko alam ang istorya ng kuwintas na iyan at kung bakit napunta kay Drew. Pero siguro naman ay maganda ang istorya. Ang maipapayo ko ay ingatan mo para hindi na mawala uli. Galing ba sa Daddy mo yan, iha?’’
“Opo. Dati po siyang OFW sa Riyadh. Binili niya ito noong nasa high school pa ako. Kabilin-bilinan po ay ingatan ko. Hindi po alam na nawala sa akin.’’
“Ganun ba?’’
“Mabuti po at nakita ni Drew. Maganda nga po siguro ang story kung bakit ito nawala sa akin, he-he! Naliligo po ako at natakot sa alupihan at nalaglag sa batalan.’’
“Aba maganda nga. Mabuti at hindi ka nakagat ng alupihan.â€
“Hindi naman po.’’
“E sino ang nakakita ng kuwintas? Ikaw ba Drew?’’
“Hindi Dad. Si Tiyo Iluminado. Nakita niya sa ilalim ng batalan.’’
‘‘Ah ganun.’’
‘‘Binigay sa akin. Aanhin naman daw niya iyan.’’
‘‘Talagang mabait sa iyo ang pinsan kong si Iluminado.’’
Maya-maya at nagpaalam na si Gab.
‘‘Drew, Sir, uuwi na po ako.’’
‘‘O bakit uuwi ka na. Dito ka na maghapunan,’’ sabi ng daddy.
“Huwag na po. Hihintayin po ako.’’
“O Drew, ihatid mo siya.’’
‘‘Opo Dad.’’
“Huwag na po.’’
“Ihahatid na kita.’’
“Kaya ko namang mag-isa.’’
(Itutuloy)