Gumastos ng $100,000: Fan ni Justin Bieber nagpa-plastic surgery para maging kamukha ng idolo

GUMASTOS nang $100,000 ang songwriter na si Toby Sheldon, 33, para maging kamukha ng kanyang iniidolong Canadian singer na si Justin Bieber.

Inamin ni Sheldon na number one fan siya ng 19-anyos na si Justin Beiber.

Limang taon ang ginugol ni Sheldon para sa plastic surgery at umabot ng $100,000 ang kanyang ginastos. At tagumpay naman ang kanyang operasyon sapagkat kamukhang-kamukha siya ng kanyang idolo.

Ayon sa British tabloid Closer, sumailalin sa Botox injections at hair transplant si Sheldon. Pinakamalaki ang gastos sa “smile surgery”. Pinaka-mahirap daw ang ope-rasyong iyon. Pero tagumpay at sulit ang bayad dahil kuhang-kuha ang ngiti ni Bieber.

Ayon pa kay Sheldon, ang ngiti raw ni Justin ang nagbibigay ng youthful look kaya naman tuwang-tuwa siya nang makitang kopyang-kopya ito.

 

Show comments