NOONG 2012, ang Chicago ang tinuring na pinaka-worst city sa US dahil pinaka-maraming surot. Noong nakalipas na taon, 2013, sila pa rin ang worst city dahil sa surot. Ito ay ayon sa report ng pest control leader, Orkin.
Ang Chicago, tinaguriang Windy City, ay sinasabing serious na ang problema sa mga surot. Dahil dito, nagpalabas na naman ng bagong bed bug ordinance ang siyudad. Ipinasa ang ordinansa noong nakaraang taon.
Sabi ng Centers For Disease Control and Prevention, ang pagkakaroon nang maraming surot ay mabigat na pasanin ng lipunan. Dahil sa pagkakaroon ng mga surot, malaki ang nawawala sa ekonomiya dahil sa health care, nasasayang na wages, revenues at nababawasan ang productivity.
Sumunod sa Chicago na maraming surot ay ang: 2) Los Angeles, 3) Columbus, Ohio, 4) Detroit, 5) Cincinnati, Ohio, 6) Cleveland, Ohio, 7) Dayton, Ohio, 8) Washington DC, 9) Denver at 10) Indianapolis, Ind.
-- www.huffingtonpost.com--