NAGHAHANAP ng libro ang babae sa shelves. Iniisa-isa ang mga nakasalansang libro na pawang nakasulat sa Tagalog. May isang kinuha sa salansan. Binuklat at pinasadahan ng basa.
Walang gaanong tao sa section na iyon. Tahimik. Isang saleslady ang nakita niyang inaayos ang mga libro sa dako roon.
Bantulot si Drew kung lalapit sa babae at basta na lamang makikipagkilala. Hindi niya kabisado ang ugali ng babaing ito. Baka galit sa mga lalaking basta na lamang lalapit at magpapakilala. Sa tipo ng babae ay hindi ito basta-basta na makikipagkilala.
Nag-isip ng paraan si Drew. Kailangan ay yung kakaibang paraan na hindi siya ang unang magbubukas ng usapan kundi ang babae.
Pinagmasdan niya ang babae tutok na tutok sa binabasa. Walang kamalay-malay na mayroong lalaking nagbabalak magpakilala.
Hanggang may naisip na paraan si Drew. Kakaiba ang naisip niya. Tiyak na makikilala niya ang babae.
Palihim na inilagay ni Drew ang P1,000 sa kanyang kanang bulsa. Inilagay niya iyon sa ayos na mahuhulog. Iisipin nang makakita na mahuhulog na ang pera dahil nasa bukana na ng bulsa. Wala namang ibang makapapansin dahil dadalawa lamang sila sa section na iyon.
Ganun nga ang ginawa ni Drew. Lumapit siya sa babae at kunwari ay may hinahanap ding libro. Nang makakuha ng libro ay nagbasa siya. Halos katabi niya ang babae.
Napakiramdaman niya na tapos nang magbasa ang babae at inilagay niya sa salansan ng mga libro. Ini-obvious naman ni Drew ang bulsang may nakasungaw na P1,000 para makita ng babae.
Presto! Napansin ng babae ang mahuhulog na P1,000. Kahit hindi tingnan ni Drew, alam niya nakatingin ang babae sa P1,000 na nasa bulsa. Halos hindi humihinga si Drew.
“Excuse me, ang pera mo mahuhulog!â€
Gulat si Drew. Pero kunwari lang iyon.
“Ha?†sabi niya sabay tingin sa bulsa na may P1,000. “Salamat, Miss. Maraming salamat!â€
(Itutuloy)