MAGLUTO ka ng kape at ang halimuyak nito ay kakalat sa buong bahay, maaamoy ng kapitbahay at kung babatakin ang ating imahinasyon… maaring umabot hanggang sa ibang bansa.
“Wala naman silang maipakitang ebidensya puro sabi-sabi lang kaya ‘di ko pinaniwalaan,†pahayag ng isang ginang.
Siya si Arlene Toledo, 38 anyos ng San Jose Del Monte, Bulacan. Isang ‘collection clerk’ ng San Jose Cooperative.
Pinay sa ‘lobby’. Siya umano ang bagong babaeng kinaÂkasama ng mister ni Arlene na si Rodolfo Toledo o “Rodâ€, 36 na taon gulang. Kasalukuyang ‘service crew’ sa Starbucks Coffee, Kuwait. Tubong San Jose Del Monte si Arlene. Taong 2001, ibigay sa kanya ng isang kaibigan ang ‘cell phone number’ ni Rod. Tinext at tinawagan siya nito. Maganda ang boses. Swabe sa pandinig, ganito sinalarawan ni Arlene ang noo’y ‘di pa nakikitang si Rod.
Isang araw nagdesisyon na silang magkita (eyeball). Sa isang ‘mall’ sa Meycauayan, Bulacan sila nagtagpo. Nadismaya daw nung una si Arlene sa itsura ng binata. “Gwapo ang boses niya… pero sa personal maitim, matangkad, sobra niyang payat at maraming tigyawat,†pahayag ni Arlene. Hindi man naging kaakit-akit sa paningin niya si Rod. Matamis ang dila nito at napasagot din siya. Naging sila ika-23 ng Desyembre 2001. Naging mabilis si Rod. Nabuntis niya agad si Arlene. Katoliko Sarado ang pamilya ni Arlene kaya’t pinakasal sila agad buwan ng Setyembre parehong taon sa simbahan ng San Jose Del Monte.
Umupa sila ng maliit na bahay. Dahil si Arlene pa lang ang may permanenteng trabaho, si Rod kontraktwal lang sa pabrika… si Arlene daw ang sagot sa kanilang gastusin. Ika-8 ng Setyembre 2003, isinilang ni Arlene ang isang anak na lalake. Bago mag-isang taon ang bata nagdesisyon si Rod na pumunta sa ibang bansa.
“Sa tulong ng dati niyang ahensya, nakapunta siya sa Kuwait bilang ‘service crew’ sa KFC,†kwento ni Arlene. Halagang Php12,000 ang pinapadalang pera ni Rod kada buwan. Nagpabalik-balik si Rod sa Kuwait. Sa pagkakataong ito ‘direct hiring’ na siya.
Taong 2008, isang ka-baryo ni Arlene ang nagsumbong sa kanya… nangamoy ang balitang may babae daw ang kanyang asawa sa Kuwait.
“Marami kasing taga San Jose ang may mga kamag-anak sa Kuwait. Kaya mula Kuwait nakakaamoy sila ng tsismis,†ani Arlene.
Sinantabi ni Arlene ang balitang ito. Wala naman daw mapakitang larawan ang mga nagsasabing may iba si Rod kaya’t hindi niya pinatulan ang usap-usapan. Enero 2009, umuwi sa Pinas si Rod. Walang nakitang pagbabago si Arlene sa mister kaya’t ‘di niya na nagawang tanungin kung totoo bang mga narinig niya.
“Sabik naman siya sa’kin. Sa sobrang pananabik niya nabuntis pa nga ako pero nakunan naman. Natagtag kakagala namin,†kwento ni Arlene.
Dalawang araw makalipas bumalik ni Rod sa Kuwait niraspa si Arlene. Nagdaan ang ilang buwan, tumawag si Rod sa kanya at sinabing hindi na niya matutuloy ang dapat sana’y dalawang taong kontrata.
“Kakasuhan daw siya ng Breach of Contract kaya kinailangan niyang magbayad ng 50 mil. Ako ang gumawa ng paraan,†ani Arlene.
Umutang si Arlene sa kanilang kooperatiba at agad pinadala ang pera. Ang usapan nila nung una, uuwi itong si Rod sa Pinas subalit tatlong buwan makalipas nagbago ang isip nito at sinabing may napasukan na siyang trabaho. Bumababa sa halagang Php7,000-10,000 ang padala ni Rod. Taong 2011, dapat uuwi na si Rod subalit na-‘extend’ daw siya. Sa Starbucks Coffee, State of Kuwait ang sumunod niyang trabaho. Mula nuon sunod-sunod na balita na ang nakarating kay Arlene.
“May gf daw siya dun. Madalas nga daw silang makita sa lobby…†wika ni Arlene.
Hindi mapangalanan ng mga nagsasabi kay Arlene kung sino ang babaeng sa lobby at kung saan lobby ba ito subalit nalaman niyang dati daw ka-‘crew’ ni Rod ang babae… Pinay rin. Nobyembre 2011, hindi na nakapagpigil ang misis at kinumpronta na si Rod. Todo tanggi daw ang mister kaya’t paghahamon ni Arlene, “Marami na kong nababalitaan. Kung ‘di ka magsasabi ng totoo… maghiwalay na tayo!â€
“Oh sige! Kung yang ang gusto mo!†matigas na sagot pa daw ni Rod.
Simula nun naputol na ang komunikasyon nila. Patuloy naman ang pakikipag-usap ni Rod sa kanilang anak at ang pagpapadala ng sustento sa bata. Oktubre 2012, nagkasakit si Arlene. Dinugo siya at nalaman daw mula sa doktor na nangangapal umano ang kanyang matres.
“Maari na daw akong magka-mayoma kaya’t kailangang kayurin ang aking matres. Niraspa ako,†ayon kay Arlene. Dahil kapos sa pera, matapos bayaran ang inutang na 50mil para sa kontrata ni Rod ng may interes kinapos siya sa pagpapaospital. Lumapit siya kay Rod.
“Pinadalhan niya ko ng Php7,000. Humingi ako ng dagdag pero wala na akong natanggap,†ayon kay Arlene. Mas pumangit daw ang relasyon nila ni Rod mula ng maraspa siya. Nitong
huli nakarating na lang sa kanyang, pinagkakalat ni Rod na iniwan siya nito dahil nalalake daw siya. “Kaya daw ako niraspa, may bf daw ako at nabuntis… sino ba namang di magagalit sa mga binibintang niya?!†sabi ni Arlene. Agosto 2013, binalita kay Arlene ng isang kaibigan na nagsasama na umano itong si Rod at ang kanyang babae sa Kuwait. May isa na rin daw silang anak. Umuwi pa raw ito sa Pinas para manganak. Pakiramdam ni Arlene baka nagpakasal daw muli si Rod. Gusto niya malaman ang legal na hakbang maaring gawin kaya’t nagsadya siya sa amin. Itinampok namin siya sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, para matulungan si Arlene na malinawan siya kung ano ng nangyayari kay Rod sa Kuwait, nakipag-ugnayan kami kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA). Inemail namin kay Usec. ang mga detalye tungkol kay Rod para ito’y maparating kay (H.E) Mr. Shulan O. Primavera, Ambassador of Kuwait at malaman kung may kinakasamang iligal na hindi naman niya tunay na asawa o baka naman siya’y nagpa- ‘convert’ sa relihiyong Muslim kaya’t baka nakapagpakasal siya?
Ano pa man iyon madali naman malaman ang mga ito dahil lahat ay dokumentado at mabeberipika. Ano mang kahihinatnan ng kasong ito agad naming ibabalita sa inyo. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038.