FRUSTRATED law student ang kanyang daddy. Nasa second year law na ito nang tumigil at hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral. Ayon sa kanyang daddy, hindi na nito kinaya ang pag-aaral ng law. Mahirap talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Tumigil at nagtrabaho na lamang bilang accountant sa isang kompanya sa Intramuros. Lalo nang hindi natuloy ang pangarap nang biglaang ikasal sa kanyang mommy. Nabuntis na. Hanggang sa ipanganak ang panganay at siya nga. Dalawa lang silang magkapatid. Nakalimutan na ng kanyang daddy ang pangarap na maging abogado. At nabuhay lamang ng magpakita ng interes si Drew sa batas. Sabi ng kanyang daddy nang makitang mahilig siya sa political science at mahusay ang memorya, “Mag-abogado ka, Drew. Bagay sa’yo ang lawyer,†Sagot naman niya, “Yun talaga ang balak ko Dad. Gusto kong mag-aral ng batas.’’
Biglang sumigla ang daddy niya. Noon lamang niya nakitang naging masigla ang kanyang daddy mula nang mamatay ang kanyang mommy. Biyudo na ang daddy niya. Namatay ang kanyang mommy dahil sa breast cancer. Mula nang mamatay ang kanyang mommy ay naging malungkutin ito. Laging nakakulong sa kuwarto. Pero nagbalik din sa normal at inasikaso ang dalawang anak. Muling pumasok sa trabaho bilang accountant.
At nang malaman nga na gustong maging abogado ni Drew ay lalo pang naging masigla at naging masipag. Wala namang balak na mag-asawang muli ang kanyang daddy. Nasabi minsan na una at huling pag-ibig nito ang kanyang mommy.
Kahit na subsob sa trabaho, hindi nakakalimutan ang obligasyon kina Drew. Laging nagpapaalala na mag-aral na mabuti.
“Mag-aral kang mabuti, Drew. Huwag kang maÂkikilahok sa mga rally-rally sa unibersidad.’’
“Opo Daddy.’’
“Pagkalabas ng school, uwi kaagad. Isa pa, delikado ang panahon ngayon.’’
“Opo.’’
‘‘Matutuwa ako kapag abogado ka na. Parang abogado na rin ako kapag nagkataon.’’
“Matutupad po ang pangarap mo Daddy.’’
“Salamat, Drew.’’
PINAGBUTI nga ni Drew ang pag-aaral. Pero kahit na subsob siya sa pag-aaral, lagi pa rin niyang naalala ang babaing may-ari ng kuwintas --- ang anak ni Uok. Kailan kaya niya makikitang muli ang babaing iyon. Ano kayang ugali ng ama nitong si Uok? Sabi ni Tiyo Iluminado ay guwapo raw si Uok. Saan kaya matatagpuan ang taong iyon?
(Itutuloy)