KAHANGA-HANGANG mga tanawin, kaugalian at kulturang Pilipino, mga yamang nagpapakita ng tunay na mukha ng ating bansa.
Paano ba natin ito maipapakita at maipagmamalaki sa iba?
Ngayong 2014, matapos ang matagumpay na 1st National Photography Competition ng Philippine Amusement and Gaming Corporation’s (PAGCOR) nung nakaraang taon, ang ahensya ay muling maglulunsad ng pambansang kumpetisyon ng mga litrato para sa mga propesyonal at baguhang litratista.
Gamit ang temang “Only in the Philippines†ang 2nd National Photography Competition ay bibigyang-diin ang iba’t-ibang mukha ng kulturang Pilipino, paraan ng pamumuhay ng mga Pinoy at mga namumukod tanging atraksyon na maaring matagpuan lamang o maranasan dito sa ating bansa.
Ayon kay Ms. Maricar Bautista ang PAGCOR’s Assistant VP para sa Corporate Communications, ang PAGCOR ay nagpasyang humawak muli ng ‘photo contest’ ngayong taon bilang tugon sa tagumpay na kanilang tinamasa ng una nila itong inilunsad at sa kahilingan ng mga litratistang gawin itong taunang kompetisyon.
Ito din ay isang paraan sa pagpo-promote ng Pilipinas sa lokal at internasyonal na mga turista.
“Mahigit sa 5,500 na mga propesyonal at baguhang mga litratista sa lahat ng dako ng bansa ang sumali sa photo contest nung nakaraang taon. Lahat ng mga hukom na aming inim-bitahan ay napahanga sa kinalabasan at sa kalidad ng mga larawang sinumite. Karamihan sa mga nanalo ay nakatuon sa iba’t-ibang propesyon ngunit ang kanilang talento sa pagkuha ng mga magagandang litrato at ang kanilang kahiligan sa potograpiya ay tunay na kahanga-hanga,†wika ni Bautista.
Ang pambansang paligsahan ayon kay Bautista ay nagpapatunay na ang pagkuha ng mga litrato ay isang napaka-epektibong paraan kung saan maipapakita ang pinakamahusay na maaaring maialok ng Pilipinas.
Dagdag pa niya na ang mga Pilipino kailanman ay hindi mauubusan ng magagandang litratong makukunan. Kahit saan man tayo magpunta dito sa Pilipinas ay laging may isang bagay na kawili-wiling nahuhuli ng ating mga mata.
Isang litrato lamang daig pa ang isang libong salita ng pagpapaliwanag. Andun na ang lahat, buhay na buhay na parang naamoy, nadarama mo na kung ano ang nasa litrato.
Ang ating bansa ay puno ng likas na yaman, kasaysayan at kultura. Ang kailangan lamang natin ay isang kamera o kahit mobile phone upang mapanatilihing-buhay ang lahat ng mga ito.
Ang photo contest ng PAGCOR ay isang pagkilala rin sa mga ‘brilliant artistry’ na propesyonal na mga litratista.
“Ang unang kontes na aming ginawa ay nagbigay sa amin ng kaliwanagan na maraming ‘gifted photographers’. Masaya kaming malaman na ang paligsahang ito ay nakapagbukas ng mga oportunidad sa nakararami. Ang isang nanalo sa Cebu ay nakapagtayo ng sarili niyang studio gamit ang napanalunang pera. Ang isa naman ay natanggap bilang isang photographer sa cruise ship matapos manalo,†kwento ni Bautista.
Para sa 2014 photography competition, ipinaliwanag ni Bautista na ang mga kalahok ay maaaring magpasa ng mga litrato na kinunan kahit saang lugar sa Pilipinas mula Disyembre 2013 onwards.
Dapat ang mga litrato ay nailarawan ang mga bagay, imahe, lugar, pagkain, kultura, pagdiriwang, at iba pa na nagpapakita ng katangi-tangi at kapurihan ng Pilipino.
Dapat, unang tingin pa lang sa larawan alam ng dito lang sa Pilipinas meron nito.
Tulad nung nakaraang taon ang pagsusumite ng mga entry ay gagawin online sa pamamagitan ng official website ng ahensya na www.pagcor.ph.
Meron itong ‘online registration mechanism’ upang mapadali ang pagpapasa ng mga larawan. Sa ganitong paraan, ang mga litratista mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao ay mabilis na maipadadala ang kanilang mga litrato.
Ang PAGCOR ay muling umaasa na makatatanggap ito ng daan-daang mga namumukod tanging mga litrato.
Para mas gawing naka-aaliw ang paligsahan ngayong taon sinabi ni Bautista na pinaplano ng ahensya na ipakilala ang isang ‘special category’ kung saan ang mga kalahok ay maaring magsumite ng kanilng entry gamit ang kanilang mga ‘mobile devices’ at ‘smart phones’.
“Kinukumpleto pa namin ang mga detalye. Iaanunsyo namin ang full mechanics ng kumpetisyon kasama ang mga premyo ngayong buwan ng Enero. Samantalang hinihikayat namin ang lahat ng mga photographer at ang mga aspiring ones na simulan na ang pagkuha ng mga litrato. Muli natin ipakita ang ganda at mga natatanging tampok ng Pilipinas sa pamamagitan ng PAGCOR photo contest,†paliwanag ni Bautista.
Isasama sa 2015 calendar ng PAGCOR ang mga mananalong litrato at gagamitin sa iba’t-ibang komunikasyon at pang-promosyon.
Para sa iba pang mga anunsyo at detalye tungkol sa 2nd PAGCOR National Photography Competition, maaring bisitahin ang www.pagcor.ph o kaya naman i-follow ang PAGCOR Facebook page na www.facebook.com/pagcor.ph at twitter account na www.twitter.com/pagcorph.
(KINALAP NI CARLA CALWIT) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. #709 Shaw Blvd., Brgy. Oranbo, Pasig. Magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 / 7104038.