“BAKIT ayaw mong pabayaran, Tiyo?†tanong ni Drew.
“Basta. Sa iyo na lang ang kuwintas na ‘yan.â€
“Talaga?’’
“Oo. Napulot ko lang naman. At saka aanhin ko naman ‘yan. Makita pa sa akin ni Tiya Encarnacion mo e paghinala-an pa akong may pagbibig- yan kaya meron niyan.’’
“Kahit P2,500 ayaw mong pabayaran?â€
“Hindi nga. Sa iyo na nga lang. Pero ingatan mo ang kuwintas ha. Hindi basta-basta yan.’’
“Opo. Itatago ko.’’
“Wala kang pagbibigyan?â€
“Wala po. Basta gusto ko lang ang kuwintas.â€
“Sige. Ikaw na ang may-ari niyan.’’
“Pero paano po kung meÂrong magtanong tungkol dito?â€
“Palagay ko walang magtatanong. Wala nang may balak pumunta diyan dahil wala nang tirahan.â€
“Paano kung itanong ng anak ni Uok?â€
“Yung babaing nagbakas-yon diyan noong summer?â€
“Opo.â€
“E di sasabihin kong wala akong nakita. Pero imposible, Drew na may pumunta pa rito para lang itanong ang kuwintas. Wala na ngang titirahan. Saan siya titira?â€
“Sabagay, Tiyo. Siguro talaÂgang sa akin ang kuwintas na ito.’’
“Oo nga. Talagang sa’yo yan.’’
“Itatago kong mabuti, Tiyo. Maski kay Daddy hindi ko sasabihin na may kuwintas ako.’’
“Oo.’’
“Meron lang akong itataÂnong Tiyo. Tungkol po kay Uok. Ano po bang itsura ng taong iyon?â€
“Ba’t mo naman naitanong?â€
“Wala po. Basta, naitanong ko lang po.â€
“Guwapo ang hayop na yun. Mukhang artista. Kahawig ng namayapang actor na si Rudy F.’’
“Ah guwapo nga.’’
“Kaya madaling maka-bola ng babae.’’
DALAWANG linggo rin na nagbakasyon si Drew kina Tiyo Iluminado. Tapos na ang sem break. Umuwi siya ng Maynila.
Itinago niya ang kuwintas.
Malaki naman ang kutob niya na makikita na ang anak ni Uok. Tiyak niya, sa babaing iyon ang kuwintas na nakita ni Tiyo.
(Itutuloy)