IKAW kaya mo bang ibenta ang bahagi ng iyong kata-wan para mabili ang pangarap na kotse?
Isang lalaki na nagngangalang Mark Parisi ang naging pa-nauhin sa isang TV show The Doctors at sinabi ang kanyang balak na pagbebenta ng kanyang kaliwang testicle (bayag) sa halagang $35,000.
Nang tanungin si Parisi kung bakit niya ibebenta ang kanyang kaliwang bayag, sinabi niyang ibibili ito ng pangarap niyang kotse, ang Nissan 370Z. Ang nasabing kotse ay sinasabing “a serious car for serious drivers.â€
Sabi ng nag-interbyu kay Parisi, dapat daw mag-isip itong mabuti sa pagbebenta ng kanyang bayag. Pero desidido na si Parisi.
Ang price ng Nissan na gusto ni Parisi ay $30,000 hanggang $45,000.
–www.oddee.com--