UNAHIN mong lagyan ng laman ang tiyan na kumakalam ng mga taong walang wala kaysa dun sa may pagkukunan at nakakakain sa oras ng tama.
“Pagpasok namin sa opisina pinad-lock na ng may-ari ng building ang pinto namin,†wika ni Cheryl.
Ika-28 ng Setyembre 2012 nang makita nina Cheryl Tulagan, 41 taong gulang, nakatira sa Marikina at ng kanyang mga ka-trabaho na nakasarado na ang kanilang opisina.
“Hindi daw nakakabayad ng renta ang may-ari,†ayon kay Cheryl.
Mahigit Php400,000.00 na ang utang ng mga ito. Ang namamahala ng Print Plus Business Corporation ay sina Nenette Panopio, Elena Trajano at Abelia Cruz.
May natatanggap na daw silang sulat ng paniningil ngunit parang wala namang ginagawang aksyon ang mga ito. Taong 1997 nang makilala ni Cheryl si Carmen Villanueva. Nirekomenda siya nito sa Print Plus. Halagang Php280.00 kada araw ang kanyang magiging sahod.
“Kaysa wala akong trabaho pumayag na ako. Ang deskripsyon sa akin dun ay extra,†salaysay ni Cheryl.
Printing Press ito na gumagawa ng mga imbitasyon, kalendaryo, calling cards at mga resibo.
“Minsan lahat ng trabaho ginagawa namin basta kailangan. Nagiging messenger din ako,†kwento ni Cheryl.
Maliban sa maliit na sahod wala din umano silang benepisyong natatanggap tulad ng Social Security System (SSS) o Philhealth. Wala ring ‘vacation leave’ at ‘sick leave’.
“Pag hindi ka pumasok wala kang sahod. Ang may benepisyo lang ay yung talagang matagal na sa kanila,†ayon kay Cheryl.
Nagreklamo na rin sila sa SSS noong 2005. Taong 2007 nang magbitiw si Cheryl para mangiÂbang bansa. Hindi naging maganda ang kanyang karanasan kaya tumakas siya sa kanyang employer. Pagbalik niya dito sa Pilipinas muli siyang nagtrabaho sa Print Plus.
“Ngayon tatlong taon na ako sa kanila pero extra pa rin daw ako,†wika ni Cheryl.
Nang isarado ng may-ari ng building ang kanilang opisina nawalan sila ng trabaho.
“Yung mga idedeliver namin hindi na nadala kasi hindi kami makapasok. Wala rin silang binigay na separation pay sa amin,†pahayag ni Cheryl.
Sabi sa kanila ni Nenette mag-antay antay lang umano sila na maibenta ang makinang ginagamit nila panlimbag. Php450,000.00 ang halaga nito at kapag nakahanap ng bibili saka lamang sila mababayaran. Si Carmen sekretarya dun ang naghanap ng mapagbebentahan. Taong 2011 naghain sila ng kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC). Noong Hulyo 12, 2011 naglabas ng order si Labor Arbiter Lilia S. Savari, Dismissed without Prejudice to re-filing ang hatol niya rito.
“Sabi sa amin pag-usapan daw muna kaya pinursige namin na maibenta ang makina,†ayon kay Cheryl.
Oktubre 18, 2013 nang maibenta ni Carmen ang makina. Umasa sila na may makukuha na silang separation pay ngunit wala ni singko silang natanggap.
“Sabi ang uunahin daw bayaran ay ang pagkakautang sa building. Ang matitira daw na Php150,000.00 ang paghahati-hatian naming pito,†salaysay ni Cheryl.
Hindi pumayag ang mga trabahador dahil kulang na kulang umano ito sa kanila. Masyadong maliit ang makukuha nila gayung ang ilan sa kanila ay nagtrabaho sa Print Plus nang halos 20 taon. Setyembre 28, 2013…nagkausap ang mga trabahador at si Nenette. Ayon sa kanya, ang 13th month pay lamang ang ibibigay sa kanila at magiging hulugan ang separation pay.
“Hindi kami pumayag. Sa akin halos Php30,000.00 ang dapat kong matanggap na separation pay. Yun na lang sana ang pag-asa namin para makapagsimula,†sabi ni Cheryl.
Hindi makuha nina Cheryl ang kanilang separation pay kaya naman nagpasya silang ituloy sa NLRC ang kaso laban sa mga namamahala ng Print Plus. Ito ang dahilan ng kanyang paglapit sa aming tanggapan.
PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, tinawagan namin ang numero ni Elena Trajano, isa sa mga namamahala ng Print Plus. Nung una namin siyang matawagan sinagot niya ito at kami’y nakipag-appointment call para magkausap sila sa radyo. Sa muling pagtawag namin binababa niya ito.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Cheryl.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maari nilang gamitin ang ibinigay na kondisyon ng Arbiter na ‘without prejudice to refiling the case’.
Kaya ganun ang desisyon ay may nakita itong solusyon na kapag nabenta ang makina mababayaran din sila. Ganun din naman ang dulo dulo nito kapag itinuloy ang kaso sa NLRC. Kapag pabor sa kanila hahanap ang Abiter kung ano meron ang kumpanya na maaring kunin na katumbas ng pagkaka-utang sa kanila. Ngayon na nabenta ang makina at hindi ibinigay ang kanilang pera, ibang usapan na yan. Tila walang balak na sila’y ayusin at pilit na pinaghahati sa kanila ang halagang 150,000php.
Balikan nila ang Arbiter at isalaysay ang mga pangyayari.
Binigyan namin sila ng referral sa tanggapan ni Ms. Mae Francisco ng SSS para i-follow up ang una nilang reklamong ilang taon na ring natutulog. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.