Top 20: Bagay na ginawa mo sana noong kabataan

May pinanghihinayangan ka ba noong iyong kabataan na hindi mo ginawa at ngayong matanda ka na ay nagsisisi ka?

May tsansang mag-abroad pero hindi sinamantala.

Nag-aral ng foreign language maliban sa English.

Lakas ng loob na kumawala sa isang “bad relationship” kaya hindi nakaranas ng masayang pag-ibig.

Naging maalaga sa kutis, para kahit matanda na, kaunti lang ang wrinkles.

Panoorin ang concert ng favorite musician.

Sumubok na gumawa ng something new.

Pag-e-exercise nang regular.

Lakas ng loob na kumawala sa trabahong hindi kailanman nagbigay ng satisfaction, maliit pa ang suweldo.

Naging seryoso sa pag-aaral.

Naniwala ka sana kung gaano ka kaganda.

Lakas ng loob na mag-I Love You sa minamahal kahit hindi ka sigurado kung mahal ka rin niya.

Pinakinggan ang payo ng mga magulang.

Hindi sana naging “conscious” sa sasabihin o iisipin ng ibang tao sa iyo. Kasi after 20 years, wala nang halaga ang inisip nilang masama o mabuti tungkol sa iyo. Limot na nilang lahat iyon or worse, patay na ang mga taong iyon.

Nagpatawad ng mga kaaway. Imagine kung sa haba ng panahon ay naroon sa isang sulok ng iyong puso at isipan ang galit sa ibang tao.  Parang nagpatira ka ng isang insekto sa iyong puso at utak na wala nang ginawa kundi ngatngatin ang iyong kalooban at isipan.

Pinangalagaan sana ang ngipin. Pangit tumanda nang bungi.

Pulos na lang trabaho at walang pahinga at paglilibang.

Nag-aral magluto.

Naging mabait sa kapwa at iniwasang makipag-away tungkol sa mga walang kuwentang bagay.

Nag-aral tumugtog ng kahit isang musical instrument.

Nagkaroon ng lakas ng loob na kontrahin ang magulang tungkol sa kursong ipinakukuha sa iyo pero hindi ito ang forte mo. Parang hinayaan mo ang iyong sarili na magsuot ng damit na hindi kasya sa iyo.

 

Show comments