SINO ba ang ayaw mabuhay nang mahaba? Lahat tayo ay naghahangad na magkaroon nang mahabang buhay. Katunayan, isa ito sa mga wishes natin sa pagsisimula ng taon.
Pero anong silbi nang mahabang buhay kung mayroon ka namang dinaramdam na sakit o kondisyon? Mas masarap mabuhay na malusog ang katawan.
Mayroong patterns of behaviour na nagbibigay-daan para magkaroon nang mahabang buhay.
Ayon sa mga pag-aaral, may tinatawag na “exceptional aging.†Ito ang dapat nating pangarapin. Ang “exceptional aging†ay ang pagtanda na walang kaakibat na impairment sa pisikal na katawan o maging sa kalagayan ng pag-iisip, o wala rin ng anim na itinuturing na major chronic diseases gaya ng sakit sa puso (coronary heart disease), stroke, kanser, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), Parkinson’s disease, at diabetes.
Pinili ng researchers ang anim na sakit na ito sapagkat ito raw ang pinaka-karaniwang sakit na may kaugnayan sa ating pagkakaedad. Hindi raw malayong umabot tayo sa edad 85 kung maiiwasan ang anim na sakit na nabanggit.
Batay sa mga pag-aaral kaugnay ng exceptional aging, heto ang ilang bagay na nakitang common sa kanilang lahat na nabuhay nang mas mahaba. Mula ito sa nalathalang pag-aaral sa JAMA: The Journal of the American Medical Association:
Nasa tama ang kanilang timbang. Hindi overweight o obese.
Mas mababa ang kanilang blood sugar levels.
Mababa ang kanilang triglycerides (isang uri ng kolesterol) level.
Normal ang kanilang blood pressure.
Walang kasaysayan ng paninigarilyo.
Walang kasaysayan nang matinding pag-inom ng alak.
May asawa o kapartner sa buhay.
Nakapag-aral sila ng higit 12 taon.
Maiging tingnan nating muli ang ating paraan ng pamumuhay. Kung gusto nating mas humaba ang buhay, magandang simulan na natin ngayon ang tinatawag na healthy lifestyle ha-bits. Magandang pasimula ang pagpasok ng Bagong Taon upang gumawa ng healthy choices para sa ating katawan. Ihinto ang bisyo. Magsimula ng isang fitness program. Kumain nang tama. Bantayan ang timbang. Regular na magpa-check up sa doktor.
Manigong Bagong Taon po sa lahat!