ANG mga babae ay takot sa gagamba. Makakita lang ng sapot ng gagamba ay kinikilabutan na sila. Pero si Jay Reich, 26, ng Bracknell, England ay kakaiba sapagkat hindi siya takot sa gagamba. Sa katunayan, nag-aalaga siya ng mga gagamba at yung mga makamandag (venomous) ang pinipili niya.
Sabi ni Jay, nangunguÂlekta siya ng venomous spiders at gusto niyang patunayan sa mga tao na harmless ang mga ito. Hindi raw dapat katakutan ang mga gagamba.
Mayroon nang mga koleksiyon ng gagamba si Jay. Mayroon na siyang tarantula, ang sinasabing mabagsik ang kamandag. Mayroon na rin siyang tatlong adult False Widow spiders at 10 anak nito.
Tuwang-tuwa siya kapag pinagmamasdan ang mga alagang spiders.
Nasabi minsan ni Jay na plano niyang magpakagat sa alagang False Widow para mapatunayan na harmless ito.