MALIIT pang bata, gusto na ni Lynea Lattaanzo ng Parlier, California na magkaroon nang maraming alagang pusa. Subalit ayaw pumayag ang kanyang ina.
Ngayong matanda na siya, natupad ang kanyang pangarap. Mayroon siyang alagang 700 pusa sa kanyang bahay na nasa 12 ektaryang lupain. Mayroon siyang cat sanctuary. Kuntento na siya sa buhay na ang kasama sa bahay ay mga pusa.
Nagsimula siyang mag-alaga ng pusa makaraang makipagdiborsiyo noong 1981. Pawang na-rescue ang kanyang mga alagang pusa. Umabot sa 19,000 ang mga naeÂrescue. Dinadala sa kanya ang ilan pa. Pagkatapos niyang kupkupin ay mayroon din namang nag-aampon sa mga ito.
Ang kanyang misyon ay maisaayos ang kalagayan ng mga pusa. Gusto niya ang kukupkop sa mga ito ay mamahalin sila at aalagaan.
Bukod sa kanyang alagang 700 pusa sa kasalukuyan, mayroon din siyang 15 aso.