SA Oaxaca region sa Mexico ay kakaiba ang ginagawa para sa selebrasyon ng Pasko. Mayroon silang tinatawag na “La Noche de Rabanos†o ang “Gabi ng mga Labanosâ€. Idina-daos ang “Gabi ng mga Labanos†sa pamamagitan ng paglilok o pag-ukit sa malaking labanos na mayroong Christmas theme. Halimbawa ay ang pag-ukit ng Nativity scene sa malaking labanos. Dapat ay may timbang na six pounds ang labanos.
Nagsimula ang tradition na ito 116 na taon na ang nakalilipas. Ginaganap ang taunang labanos sculpture tuwing Disyembre 23. Ang tradisyon na ito ay dinarayo ng mga turista. Mahaba ang pila ng mga tao para lamang masaksihan ang “Gabi ng mga Labanosâ€.
Sinimulan umano ng Spanish missionaries noong 16th century ang tradisyon. Habang kino-convert ang mga katutubo sa Kristiyanismo, isinali nila ang paglilok sa mga labanos. Ayon sa report, maraming katutubo ang mahusay sa paglilok at naging daan para sumikat ang lugar.
Ang best radish sculpture ay tumaÂtanggap nang mala-king premyo.