81. Kung lagi mong ipinagdidiinan sa kapamilya na huwag kang pakialaman dahil “matured†ka na, malaki ang tsansa na hindi totoo yun.
82. Hindi makatulog? Para antukin, titigan ang picture ng mga taong sarap na sarap sa pagtulog.
83. Sikaping maging maayos ang ugali sa lahat ng tao, sa lahat ng oras para kapag may maninira sa iyo, walang maniniwala sa kanila.
84. Huwag mamili sa supermarket nang nagugutom. Ang epekto nito ay pagbili ng mga bagay na hindi mo kailangan.
85. Bago ka ma-stress sa isang sitwasyon : Tanungin mo muna ang iyong sarili kung after 5 years ay magbibigay pa rin ito sa iyo ng sama ng loob. Kung ang sagot ay HINDI, walang dahilan para ka ma-stress.
86. Kung alam mong mahaba ang iyong biyahe at ikaw ang magmamaneho ng sasakyan, magbaon sa bulsa ng siling labuyo. Ito ang nguyain kapag dina-dalaw ka ng antok.
87. Nakakatanggal ng lungkot at stress ang pagpapa-manicure at pedicure.
88. Nakakatanggal ng nunal, warts at skin tag ang apple cider vinegar.
89. Mas mabilis makatanggal ng anghang sa bibig ang pag-inom ng yogurt. Mas mabilis itong makatanggal kaysa gatas.
90. Kung gusto mong matanggal ang plema na nakabara sa iyong lalamunan na nakapagpapaubo sa iyo, kamutin mo ang butas ng iyong tenga.