Mga hindi inaasahangpangyayari sa loob ng train

Babaing hubo’t hubad nagwala sa train sa Chicago --- Nabalot ng tensiyon ang Chicago Red Line train nang isang babaing hubo’t hubad ang nagpilit makapasok sa kinaroroonan ng driver at dinemand na siya magda-drive ng train.

Kaaalis lamang sa Granville station ang train nang biglang maghubad ang babae at nagwala. Pinagsasampal ang mga pasahero at saka sinabing siya ang “Goddess of the Train”. Nagtungo ito sa kinaroronan ng driver at pinilit na siya ang magda-drive.

Nang sumapit sa sunod na station, inaresto ng mga pulis ang hubad na babae na nasa 31-anyos. Nagdulot ng 15-30 minutong delay ang service ng train. —www.oddee.com---

* * *

 

Babae sa Japan, nagdala ng pambomba ng inidoro sa train at ginawang hawakan --- Kakaibang paraan ang ginawa ng isang pasaherong babae para may mahawakan sa loob ng train – dinala niya ang pambomba ng inidoro.

Nagulat ang mga pasahero sa Tokyo subway nang makita ang hinahawakan ng babae. Firm na firm ang pagkakadikit ng pambomba sa kisame ng train. Marahil, nauubusan ng hawakan ang babae sa train kaya minabuti niyang gumawa ng paraan. Kahit saan lumipat ng puwesto ang babae ay maaari niyang gawin dahil malakas kumapit ang pambomba ng inidoro. —www.oddee.com—

Show comments