PAANO malalaman kung inaatake sa puso ang isang tao? Isang senyales ng heart attack ay ang Levine’s sign kung saan nakalagay ang kamao sa may sikmura. Alamin din kung dati nang may sakit sa puso, altapresyon o diabetes ang pasyente. Ganito ang ating gagawin bilang first aid sa heart attack:
Una sa lahat, tumawag ng doktor at ihanda na ang sasakyan para dalhin siya sa ospital.
Habang naghihintay, bigyan ng sapat na hangin ang pasyente. Gumamit ng pamaypay, electric fan o air con. Ang nangyayari sa heart attack ay nagkukulang ang oxygen sa puso ng pasyente.
Ipaupo ang pasyente sa kumportableng silya o kama. Kailangan mataas ang kanyang upo o mga 45 degrees. Maglagay ng maliit na unan sa ilalim ng paa para mas kumpor-table siya.
Iluwag ang kanyang damit at necktie. Ayaw nating maipit ang ugat sa leeg.
Ang layunin natin ay mag-relax ang pasyente. Paano ito gagawin? Huwag siyang tanungin nang tanungin. Sabihin lang na magpahinga ka. “Kami na ang aayos sa mga gawain at problema.†Puwedeng ipikit ang mata at mag-relax lang.
Sabihing huminga ang pasyente nang malalim at mabagal, yung tinatawag na deep and slow breathing. Nakaka-relax ito at nakakababa rin ng blood pressure.
Kung mayroon siyang maintenance na gamot sa puso, ipainom ito.
Para sa heart attack, kailangan magbigay ng first aid medicine, ang Aspirin na 325 mg tablet o puwede rin ang Baby Aspirin o Aspilet na 80 mg pero dalawang tableta ang ipainom.
Kung marunong kayong kumuha ng blood pressure, i-monitor ang kanyang blood pressure. Binabantayan natin ang biglang pagbagsak ng blood pressure.
Dalhin ang pasyente nang mabilis sa Emergency Room ng isang malaking ospital. Dahil sadyang ang mga doktor lang ang magsasabi kung heart attack nga ba o hindi.
Para sa mga kamag-anak, maging maagap at gumamit ng common sense. Mag-aral ng first aid para makapagligtas ng buhay.