^

Punto Mo

Uok (10)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“A KALA ko po Tiyo nagbabakasyon lang ang babaing nagdaan. Bakit sabi mo, anak siya ng la­laking maraming ginawang kalokohan sa kapwa kaya tinawag na uok.’’

“Nagbabakasyon nga lang ang babae diyan. Yung ama raw ng babaing yan ang hindi na umuuwi dahil nahihiya.”

“E sino yung babaing matanda na nakita kong ka­usap ng babaing nagdaan?’’

“Sabi e tiyahin yun. Ewan ko ba nalilito ako. Pawang daw lang ang naririnig ko.’’

“Pero ang sigurado, ama ng babaing nagdaan ang sina­sabi mong uok.’’

“Oo. Uok ang tawag sa ama ng babae.’’

“At kaya nariyan ang babae ay dahil sa nagbabakasyon.’’

“Oo. Tulad mo rin nagbabakasyon.’’

“Pero hindi na umuuwi rito ang amang uok?’’

“Hindi na. Nahihiya siguro dahil kalat na kalat na ang tungkol sa kanya. Marami raw sinira ang taong yun at karamihan daw ay mga kasamahan sa trabaho. Matinding manira. Talo pa nga raw ang uok sa bilis sumira ng kapwa.

“Nakakainis ang ganung klaseng tao, Tiyo.’’

“Ano pa? Parang ang sarap tadtarin ng pino.’’

“Pero hindi naman tagarito ang sinira niya.”

“Mayroon ding sinira rito ang hayup na ‘yun.’’

“Sino po.’’

“Saka ko na lang sasabihin sa’yo, Drew. Basta ang mahalaga alam mo na ang background ni Uok.’’

“Ano ba kadalasan ang ginagawa ng lalaking si Uok, Tiyo?’’

“Ang kulit mo talaga. Bagay ka ngang kumuha ng abogasya dahil makulit ka.’’

“Kasi, Tiyo maraming paraan ang pagsira. Bigyan mo ako ng isang sample.’’

“Sige para malaman mo ang bigat ng kasalanan ni Uok. Pati tahanan, sinisira niya. Kahit may asawa, binababae ni Uok. Marami na siyang sinira…’’

Napa-ah si Drew. Alam na niya.

 

KINABUKASAN, pagdungaw ni Drew, nakita na naman niya ang babae. Maliligo uli ito.

Napangiti si Drew. Maliligo na naman ang anak ni Uok.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ANO

BAGAY

MALILIGO

MARAMI

OO

PERO

TIYO

UOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with