^

Punto Mo

‘Lulubog-lilitaw’

- Tony Calvento - Pang-masa

KUNG MINSAN maibsan lamang ang galit ng kaharap dahil sa ating sabit, nagbibitiw tayo ng mga pangako humupa lamang ang tensiyon ng ating kausap.

 â€œPinagbigyan ko na siya ng mahabang panahon dahil sa kapatid ko, hindi pa ba sapat ang apat na taong palugit para tuparin niya ang kanyang pinangako?” simula ni Florante.

Taong 2008 nang makiusap kay Florante Luis, 67 taong gulang, taga Caloocan City ang kapatid nitong si Gladena.

“Pahiramin ko daw muna ng pera ang tiyuhin ng asawa niya para may magamit sa paghahanap ng trabaho,” pahayag ni Florante. Tatlumpung libong piso ang unang iniabot ni Florante kay Jose Catalan.

“Ang perang yun galing sa ipinapadala ng kapatid kong 150 Euro kada buwan. Midwife siya sa Germany,” kwento ni Florante. Makalipas lamang ang ilang linggo muling nanghiram ng limangpung libong piso si Jose kay Florante. Gagamitin daw ito pang ‘placement fee’.

Hindi pa dito natapos, kinailangan daw nito ng pambili ng mga gamit kaya nagdagdag ito ng dalawampung libong piso. Umabot ng isang daang libong piso ang inutang sa kanya ni Jose. Bilang ‘collateral’ nagbigay ng ‘deed of sale’ ng kanilang lupa si Jose kay Florante. Ang lupa ay may lawak na 1,713 sqm.

“Ang usapan namin magpapadala siya sa akin kada buwan para makabayad. Ilang buwan na ang lumipas mula nang umalis siya wala pa din akong natatanggap,” ani Florante.

Makalipas ang ilang taong walang balita, naisipan ni Florante na maghalungkat sa kanyang mga gamit. Nakita niya ang deed of sale na ginawang collateral ni Jose sa kanya.

“Yung address na nakalagay dun ang pinuntahan ko,” kwento ni Florante.

Disyembre ng taong 2011 nang magtungo siya sa San Pedro, Sto. Tomas, Batangas. Nakausap niya ang ina ni Jose.

“Pasensiya ka na, wala kasing trabaho si Jose. Tambay ng ilang buwan,” sabi umano ng ina nito.

“Mahirap paniwalaan dahil nasa abroad pa ang anak niya. Sabi ko na lang, kapag nagpadala bigyan naman ako kahit magkano,” salaysay ni Florante. Makalipas ang limang buwan…Mayo 2012 umuwi si Jose dito sa Pilipinas.

Nagbalik si Florante sa bahay nina Jose para makausap ito. Nangako ang huli na sa June 15, 2012 siya magbabayad. Maglo-loan daw muna ito sa bangko.  Naghintay si Florante ngunit walang dumating na pera sa kanya. Nagtext sa kanya si Jose na magkita sila sa SM Fairview.

“Tinetext ko na siya nung pa­punta pa lang ako. Nakarating na ako’t lahat hindi pa din siya sumasagot,” kwento ni Florante.

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, kinapanayam din namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) si Jose. Hindi niya umano tinatakasan ang kanyang pagkakautang kay Florante.

“Nag-text ako sa kanya. Nagkaroon lang talaga ng problema sa trabaho,” paliwanag ni Jose.

Ang ibinigay niyang pang-collateral kay Florante ay hindi pa naililipat sa kanyang pangalan. ‘Deed of Sale’ at ‘Tax Declaration’ pa lamang ang kanyang hawak na dokumento. Hindi niya daw dala ang kanyang salamin nung araw na magkikita sila sa SM Fairview ni Florante kaya hindi niya nasasagot ang text nito.

“Papaalis po ako at kung magkakaroon ng habla ay magkakaproblema ako. Mawawalan ako ng trabaho, magugutom ang pamilya ko at lalong hindi ako makakabayad,” wika ni Jose.

Noong Agosto 3, 2012 nagharap sa aming tanggapan sina Florante at Jose. Nangako si Jose na magbabayad ng tatlo hanggang limang libong piso kay Florante tuwing siya ay susweldo. Muling sumugal sa pangakong iyon si Florante at ipinagpalipas ang pagsasampa ng kaso. Sa loob ng halos isang taon, apat na buwang naghulog si Jose. Halagang Php13,000 piso ang kabuuang halaga ng kanyang naibayad. Matapos iyon ay hindi na naman niya tinupad ang kanyang ipinangako.

“Kung puro siya pangako paano naman ako? Hintay ako ng hintay kung kailan siya magbabayad,” pahayag ni Florante.

Nagdesisyon na si Florante na maghain ng kaukulang kaso laban kay Jose. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi na bago sa atin ang ganitong uri ng kwento. Mangangako ang isang nangutang pagkatapos ay hindi na naman matutupad. Kung tayo ay mangungutang ipakita naman natin ang ating pasasalamat sa pamamagitan ng pagbayad agad.  Mahirap diyan pagkatapos makuha na ang gusto, ‘Goodbye Bumbay’ at bahala ka ng maghabol.

Ang nakikita kong permanenteng solusyon dito Florante ay magtungo ka sa ‘Small Claims Court’ at mag-file ka ng kasong ‘Collection of Sum of Money’ dahil ang utang ni Jose ay nasa Php87,000.  Hindi mo kakailanganin ng abogado at aasistehan ka ng mga empleyado. Isang araw lang ang magiging pagdinig dito at agad na magdedesisyon ang Hukom. Kung sakaling hindi tuparin ni Jose ang magiging desisyon ng Hukom ay maaari siyang ma-‘contempt of court’ at maaring ipakulong ng hukom.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal mag­punta lamang sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

AKO

FLORANTE

JOSE

KANYANG

KAY

MAKALIPAS

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with