^

Punto Mo

Uod (7)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“M ARAMI ka bang naging nobya, Tiyo Iluminado?”

“Oo. Noong tinedyer pa lamang ako, marami akong naging nobya. Medyo guwapo rin kasi ako noon.’’

“Hanggang ngayon naman­ ay guwapo ka pa rin Tiyo.’’

“Hindi na. Matanda na.’’

“Sino bang mas matanda sa inyo ni Daddy, Tiyo?”

“Magkasing edad kami ng daddy mo. Magka­klase kami sa high school sa bayan.”

“Marami ring naging girlfriend si Daddy Tiyo?”

“Meron din pero mas marami ako. Medyo mahiyain ang daddy mo noong nasa high school pa kami pero matalino siya. Nagkahiwalay na kami nang mag-aral siya sa Maynila ng kolehiyo. Ako naman ay tumigil na. Tama na ang high school. Wala kasi kaming pampaaral. Mabuti si Daddy mo at may mga namanang lupa na kanyang ipinagbili para may magastos sa pag-aaral. Ako naman ay walang hilig sa pag-aaral. Kuntento na ako bilang high school graduate.’’

“Sayang at hindi ka naka­pagpatuloy ng pag-aaral. Tingin ko pa naman sa’yo Tiyo ay matalino ka.’’

Nagtawa si Tiyo Ilu­minado.

“Kanina pa ako nakakahalata na panay ang puri mo. Siguro e gusto mo nang kumain. Malapit nang maluto itong ginataang tilapia. Masasarapan ka rito sapagkat nilagyan ko ng palaman ang loob ng tilapia. Nilagyan ko ng luya, sibuyas, kamatis at saka tinadtad na siling labuyo. Napakasarap ng anghang nito. Pampalibog ito, he-he-he!”

Nagtawa si Drew.

Maya-maya lamang ay luto na ang ginataang ti­lapia. Nalanghap ni Drew ang ginataang tilapia. Masarap ang amoy.

Nagsandok ng kanin si Tiyo Iluminado. Mabango ang kanin.

Nagsandok ng tilapia sa malaking pinggan.

“O kain na habang ma­init.”

“Ikaw po, Tiyo?”

“Mamaya na. Sabay kami ni Tiya mo. May pinuntahan lang sa kabila.”

Kumain si Drew. Masarap nga ang ginataan. Nang pumiraso siya sa tilapia at sinubo, kumagat ang anghang. Pero masarap. Ganadung-ganado si Drew.

 

KINABUKASAN, nasa bakuran sina Drew at Tiyo Iluminado nang dumaan ang babaing naligo sa batalan.

Sinamantala ni Drew ang pagkakataon at tinanong si Tiyo Iluminado.

“Tiyo sino ang babaing ’yun?”

Hindi makasagot si Tiyo Iluminado.

(Itutuloy)

 

 

AKO

DADDY TIYO

MASARAP

MEDYO

NAGSANDOK

NAGTAWA

TIYO

TIYO ILU

TIYO ILUMINADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with