Uok (6)

“A NG laki! Diyos ko kung nakagat ka nito, baka kung napaano ka! Mabuti at napatay ko!”

Sabi ng ina ng babae at itinaas ang napatay. Isang malaking alupihan!

Nakahinga nang ma­luwag si Drew nang makita ang alupihan. Iyon pala ang nakita ng babae kanina kaya napatili. Akala niya siya ang nakita kaya napasigaw. Kasi’y nakatingin sa direksiyon niya kanina.

Pinakinggan ni Drew ang usapan ng dalawang babaing nasa batalan:

“Huwag ka na kayang maligo rito.’’

“E saan naman ako ma­liligo?’’

“Sa may balon diyan sa likod. May tabing ang balon at siguradong walang alu­pihan doon.’’

“Dito na lang. Mas ma­sarap maligo rito.’’

“Masarap ngang maligo e kung makagat ka ng alupihan! Delikadong makagat ng alu­pihan. Mas matindi pa sa ahas ang kamandag nito.’’

“Hindi ko na lang isasampay ang tuwalya at baka doon gumapang.’’

“Sige bahala ka. Kung ako, mas maganda roon sa balon.’’

“Dito na lang.’’

‘‘Bahala ka na nga. Teka at ibabaon ko ang ang alupihan na ito.’’

Umalis ang ina dala ang na­patay na alupihan. Ang babae naman ay naiwan at mayroon pang ginawa sa batalan. Tiningnan ni Drew kung ano ang ginagawa. Naglalaba pala ng panty.

Hanggang sa makarinig si Drew ng katok. Kasunod ay tawag.

“Drew! Drew!”

Si Tiyo Iluminado.

“Halika Drew tingnan mo itong dala ko, dali!”

“Opo. Sandali lang po Tiyo Iluminado.”

Bago lumabas si Drew ay muling tiningnan ang babaing may ginagawa sa batalan. Nakaharap sa direksiyon niya at nakatingkayad habang nagsa­sabon ng panty. Nakabukaka. Pero hindi na makita ni Drew ang nasa pagitan ng mga hita.

Lumabas siya at tiningnan ang sinasabi ni Tiyo Ilu­minado.

“Tingnan mo ang mga nahuli ko sa kawil na pinainan ng uok.’’

Tiningnan ni Drew. Mga itim na malalaking tilapia!

‘‘Masarap yan kapag prito o inihaw.’’

“Gusto ko ginataan, Tiyo.’’

“A oo masarap nga rin yun.’’

“Yung maanghang.’’

“Sige.’’

Gusto nang itanong ni Drew   kung sino ang babaing naliligo sa kabila pero nahihiya siya. Saka na lang niya itatanong.

“Ikaw ba ay may girlfriend na Drew?’’ tanong ni Tiyo habang kinakaliskisan ang mga huling tilapia.

“Wala po. Kabi-break lang namin nung siyota ko.’’

“Aba dapat maghanap ka ng bago. Gumaya ka sa akin, he-he!”

(Itutuloy)

Show comments