MARAMING mga tricycle driver ang abusado at naghahari-harian na namamataan sa mga kalsada partikular sa mga pangunahing lansangan o national highway.
Sa Kamaynilaan, pangkaraniwang tanawin nalang ito. Mapa-kaliwa, kanan, harapan at unahan naglipana ang mga itinayo nilang terminal.
Sa pakikipag-patintero nila sa mga dambuhalang sasakyan, hindi nila alintana ang panganib na kanilang sinusuong. Basta ang mahalaga makapamasada sila at kumita ng pera.
Wala namang masama doon. Kung tutuusin, marangal itong hanapbuhay kaysa naman ang magnakaw.
Kaya lang, mali ang lugar na kanilang binabaybay at pinagpapasadahan na nagiging sanhi ng trapiko sa lansangan.
Marami sa mga byahero at motorista ang nagsusumbong sa BITAG textline araw-araw hinggil sa presensya ng mga tricycle na gumigitna at pasingit-singit sa pagitan ng mga sasakyan.
Wala silang pakialam kesa hodang nakakain na nila ang maraming linya.
Sabihin ninyo ng mali ako pero, hindi pu-pwede ang mga tricycle sa mga malalawak na lansangan.
Una, kaligtasan at seguridad ng mga drayber at mga pasaherong sumasakay.
Ikalawa, wala itong prangkisa o permiso sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board at Metropolitan Manila Development Authority para bumyahe sa national road.
Nililinaw lang ng BITAG, ang tricycle ay ginawa para sa mga looban na hindi na abot ng mga buma-byaheng dyip, FX, van at bus.
Ito ay para maihatid ang mga residente sa mga looban at makikitid na eskinita.
Ang problema kasi sa mga nakatuwad ang kukute at paÂtulug-tulog sa pansitan na mga traffic enforcer at mga ahensyang may hurisdiksyon dito, walang pakialam sa mga naglipanang tricycle sa lansangan. Tsk…tsk!