HINDI raw siya makaÂtagpo ng girlfriend kaya ano pa ang silbi ng kanyang pagkalalaki. Ipinasya ng 26 na si Yang Hu, binata at taga-Eastern China na putulin ito.
Masyadong depressed na si Hu dahil mula nang magtungo sa city para magtrabaho ay hindi pa siya nakakakita ng magi-ging girlÂfriend. Lalo pang lumiit ang kanyang tsansa na magkasiyota nang ilipat siya sa panggabing shift sa kanyang trabaho. Siya ay nagtatrabaho sa isang clothing factory sa Jiaxing. Mahaba ang oras ng kanyang trabaho at wala nang panahong makapanligaw.
Dahil sa depression, ipi nasya niyang putulin na ang “pagkalalaki†dahil wala namang silbi. Kung wala na raw ang kanyang ari hindi na siya mag-iisip pang manligaw.
Subalit makaraang putulin ang ari, nagbago ang pasya niya at nagtungo sa hospital para magpagamot. Gusto rin niyang ikabit muli ang pinutol.
Pagdating sa ospital, sabi ng mga doktor na kunin ang bahaging pinutol. BumaÂlik muli si Hu sa bahay at kinuha ang pinutol.
Pero nang dumating siya sa ospital, sabi ng mga doktor ay hindi na puwedeng ikabit dahil naubusan na ng dugo.
Sising-sisi si Hu kung bakit pinutol niya ang ari. Hindi siya dapat nagpadalus-dalos sa pasya.
www.oddee.com-