KARUGTONG ito nang lumabas noong Biyernes.
Pag-upo (8 months). Darating ang punto sa buhay ng mga baby na gusto na nilang makita ang mga nasa ibabaw at mas matataas na gamit. Dahil lagi silang nakahiga o nakadapa, kailangan nila ng bagong posisyon upang magawa ito at mas mapalawak ang kanilang natatanaw. Kasabay ng pagnanais na ito ang malalakas na braso, mas matibay na leeg at batok at ulo at mas magandang balanse ng pangangatawan.
Paggapang (6-10 months). Kapag natuto nang umupo ang anak, susunod niyang gagawin ay ang mapuntahan at mahawakan ang mga nakikita niya. Susubukan ang lakas ng kanyang mga braso at binti.
Pagtayo at paggabay (8 months). Susubukan na niyang tumayo para maabot ang mas matataas na bagay. Maggagabay na rin yan habang nakakakapit sa kama, upuan, crib at iba pang mahahawakan.
Paglakad. (10-18months). Hindi lamang lakas ng katawan ang kailangan upang makalakad kundi lakas ng loob. Ang emotional maturity ang isa sa kailangan ng bata upang magawa ang kanyang mga unang hakbang. Hindi tulad ng paggapang na mas madaling isentro at bumalanse dahil apat ang nakakalang, sa pagtayo at paglakad ay dalawa na lang ang aasahan nila. Kaya kailangan ng kumpiyansa upang makapaglakad ang bata.
Maraming salik na nakaaapekto sa pagdebelop ng bata. Nariyan ang karakter. May ilang mga batang sadyang mas matapang at mas mapusok kaysa iba. May mas malakas ang loob, may mas maingat. Gayundin ang natural na abilidad. Kung kayo ay pamilya nang malalakas at mga atleta, chances are maaga talaga maglalakad ang anak mo. Ang pagkakaroon ng mga kapatid ay nakakaapekto rin. Karamihan nga umano sa mga bata ay mas napapaagang magawa ang mga milestones dahil “napi-pressure†sa nagagawa na ng kanyang mas nakatatandang kapatid. Gayundin, maaari ring maging sanhi ng insecurity dahil may ilang mga kapatid na ang hobby ay ang mang-asar ng mga bunso. Imbis na ibigay ang laruan ay itinatakbo pa ito. Panghuli, ang premature birth ay maaari ring makaapekto pero pagdating ng dalawang taong gulang ay nakakahabol naman ang premature babies sa lebel ng full-term babies.
Mangamba lamang kung mahigit sa isang area delayed ang bata. Halimbawa ay isa’t kalahating taon na siya pero hindi pa nagsasalita o hindi pa tumatayo. Pero generally, do not worry. magkakaiba ang karakter at lakas ng mga bata. Do not compare. Enjoyin ang bawat sandali na inaaral ng anak mo ang kanyang katawan at kakayanan. Hindi na mababalikan ang mga sandaling ito.