^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (Round 2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang tagumpay ay hindi susi ng kaligayahan, kundi, ang kaligayahan ang susi para magtagumpay. Basta’t maligaya ka sa iyong ginagawa, sigurado ‘yan…magtatagumpay ka.

Sa mga babaeng nag-aahit ng legs, mas mainam na gamiting shave cream ang hair conditioner. Bukod sa mas mura ito kaysa totoong shave cream, mas smooth ang hair conditioner sa legs.

Kung wala kang icing bag, gamitin ang condiment bottles sa paglalagay ng decoration sa mga cookies at cup cakes.

Kung ang iyong “plan A” ay pumalpak, huwag malungkot dahil may 25 alphabets pang natitira, plan B, plan C, etc. Stay cool, calm…keri lang ‘yan!

Tipid tubig: Gamiting pandilig ng halaman ang pinagpakuluan ng pasta, gulay at tubig mula sa aquarium. Palamigin muna ang boiled water bago idilig.

Kapag gumagawa ng tacos sa bahay: Patungan muna ng buong lettuce ang ilalim ng taco shell saka lagyan ng filling. Kapag naputol ang shell habang kinakagat, hindi malalaglag ang filling dahil may sasalong lettuce.

Bumili ng arts and craft organizer. Ito ang gamiting patu-ngan ng pagkain sa loob ng kotse habang nagbibiyahe.

Mabilis lalambot ang frozen sliced meat at kaagad itong mapaghihiwalay kung ibababad ito sa hot water nang nasa loob pa rin ng plastic. Kailangang nakabalot pa rin sa plastic ang karne upang hindi “maluto” at hindi ma-contaminate ng bacteria.

Ang pinakamabilis na paraan upang hindi mapakialaman ng ibang tao ang iyong personal na problema ay huwag itong i-post sa internet.

Ihalo ang isang kutsarang vanilla extract sa pinturang gagamitin sa iyong kuwarto. Hindi ito makakaapekto sa kulay. Mababawasan lang ng vanilla ang matapang na amoy ng pintura. Isang kutsara ng vanilla extract sa bawat isang gallon ng pintura.

BUKOD

BUMILI

GAMITING

IHALO

ISANG

KAILANGANG

KAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with