ANG Austrian composer na si Arnold Shoenberg ay may maÂtinding takot sa number 13 o ang tinatawag na triskaidekaphobia.
Ipinanganak si Shoenberg noong September 13, 1874. Naniniwala siya na ang kanyang kapalaran ay nakakapit sa numero ng kanyang kapanganakan.
Dahil sa kanyang pagkatakot sa number 13, binago niya ang title ng kanyang komposisyong Moses und Aaron sa Moses und Aron. Ang unang title umano ay may 13 letra.
Lalo pang nadagdagan ang takot ni Shoenberg nang magdiwang siya ng ika-76 na kaÂarawan. Sinabi kasi sa kanya ng isang manghuhula na mag-ingat dahil ang 7+6 ay 13.
Wala namang nangyari kay Shoenberg pagsapit niya ng 76 years old.
Noong Hulyo 13, 1951, sinalakay na naman ng maÂtinding takot si Shoenberg kaya nagkulong siya sa kuwarto. Nakahiga lang siya sa kama habang hinihintay ang pagsapit ng Hulyo 13. Galit na galit naman ang kanyang asawa, dahil nagsasayang daw ng panahon ito. Hindi niya alam, takot na takot at depressed na depressed si Shoenberg.
Namatay si Shoenberg ng araw na iyon. Sabi ng isang doctor na kaibigan ng composer, tinawagan pa niya si Shoenberg habang nasa kuwarto at kinumusta. Ang boses daw ni Shoenberg ay paos na paos. Pakiramdam ng doctor, napakalakas ng tibok ng puso nito. Sobra ang pagkatakot nito. Nang suriin ang katawan ng composer, wala namang nakitang dahilan para ito mamatay.
–www.oddee.com—