^

Punto Mo

Ang composer na sobra ang takot sa number 13

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG Austrian composer na si Arnold Shoenberg ay may ma­tinding takot sa number 13 o ang tinatawag na triskaidekaphobia.

Ipinanganak si Shoenberg noong September 13, 1874. Naniniwala siya na ang kanyang kapalaran ay nakakapit sa numero ng kanyang kapanganakan.

Dahil sa kanyang pagkatakot sa number 13, binago niya ang title ng kanyang komposisyong Moses und Aaron sa Moses und Aron. Ang unang title umano ay may 13 letra.

Lalo pang nadagdagan ang takot ni Shoenberg nang magdiwang siya ng ika-76 na ka­arawan. Sinabi kasi sa kanya ng isang manghuhula na mag-ingat dahil ang 7+6 ay 13.

Wala namang nangyari kay Shoenberg pagsapit niya ng 76 years old.

Noong Hulyo 13, 1951, sinalakay na naman ng ma­tinding takot si Shoenberg kaya nagkulong siya sa kuwarto. Nakahiga lang siya sa kama habang hinihintay ang pagsapit ng Hulyo 13. Galit na galit naman ang kanyang asawa, dahil nagsasayang daw ng panahon ito. Hindi niya alam, takot na takot at depressed na depressed si Shoenberg.

Namatay si Shoenberg ng araw na iyon. Sabi ng isang doctor na kaibigan ng composer, tinawagan pa niya si Shoenberg habang nasa kuwarto at kinumusta. Ang boses daw ni Shoenberg ay paos na paos. Pakiramdam ng doctor, napakalakas ng tibok ng puso nito. Sobra ang pagkatakot nito. Nang suriin ang katawan ng composer, wala namang nakitang dahilan para ito mamatay.

 â€“www.oddee.com—

ARNOLD SHOENBERG

ARON

DAHIL

GALIT

HULYO

IPINANGANAK

NAKAHIGA

NOONG HULYO

SHOENBERG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with