Paparazzi-for-hire service.
Kung gusto mong maramdaman kung paano ang maging celebrity for a day, kunin mo ang serbisyo ng “fake paparazziâ€. Susundan ka nila saan ka man magpunta with matching tutok ng mga camera nilang dala. Kadalasan ay kinukuha ang paparazzi para sa birthday party, gag gifts, parties at wedding. Ang kompanya ay itinayo ni Tanya Cowher, isang commercial and advertising photographer sa Texas.
Baka-for-hire
Isang farmer sa Switzerland na may alagang dairy cows (babaeng baka na inaalagaan para gatasan) ang nakaisip na iparenta ang kanyang mga alagang baka. Isang buwang magpapabalik-balik sa farm ang kliyente para maka-experience kung paano inaalagaan at ginagatasan ang baka na may kasamang souvenir pictures sa halagang 80 British Pound. May discount sila sa ipinagbebentang tinapay at cheese.
Rent-a-designer bag
Kaysa gumastos ng hundred thousand sa isang bag na pampasikat lang, puwedeng umarkila ng designer bag (iba’t ibang brand) na mapapasaiyo sa loob ng isang buwan. Ang pangalan ng kompanya ay From Bags to Riches.
Rent-a-celebrity house
Ang isang nagpaparenta ay si Paris Hilton kung saan puwede mong rentahan ang isa nilang mansiyon sa Water Mill New York sa halagang $400,000.
Rent-a-robot
Babae itong robot na parang tunay na tao. Ang skin niya ay gawa sa silicon kaya kapag hinawakan ay parang totoong tao. Maganda ang kanyang mukha at may iba’t ibang facial expressionÂ. Marerentahan siya sa halagang $ 3,500 for 5 days.