^

Punto Mo

Solusyon at hindi alibi sa problema ng publiko

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAS makakabuting hu­­­manap ng solusyon ang gobyerno sa pangunguna ni Energy secretary Jericho Petilla sa halip na palaging gamitin ang alibi na wala na silang magagawa sa pagtaas ng singil sa kuryente at pagtaas ng presyo ng pro­duktong petrolyo.

Nasubukan ng publiko na wala palang binatbat si Petilla dahil sa halip na humanap ng solusyon sa problema ng taumbayan ay ang katuwiran niya ay walang magagawa ang Department of Energy ukol dito.

Mabuti pa nga ang ilang sector at mambabatas tulad ni Senator Serge Osmena na nais niyang ipagamit ang pondo sa Malampaya para gamiting subsidy at hindi na kailangang pasanin ng publiko ang pagtataas sa signil sa kuryente.

Samantalang hindi man lang ito naisip ni Petilla na abala daw ngayon sa kanyang ambisyon na kumandidatong senador daw sa 2016 elections.

Isa pa sa solusyon ay dapat na kumbinsihin ni Petilla si President Aquino na sertipikahan ang panukalang pagpapawalambisa sa Epira Law at Oil Deregulation Law na balakid upang makontrol ng gobyerno ang singil sa kuryente at produktong petrolyo.

Kung pakikinggan ang mga katwiran ng gobyerno ay para bang inutil sila at wala ng magagawa kundi lunukin  na lang ng  taumbayan ang desisyon sa pagtataas na presyo ng produktong petrolyo at singil sa kuryente.

* * * * * * * * * * *

Napaka-suwerte naman ni Vice President Jejomar Binay dahil siya ang itinalaga ni P-Noy bilang kinatawan ng Pilipinas sa state funeral ni yumaong South African president Nelson Mandela.

Ang mga ganitong okasyon ay isang makasaysayan na dinaluhan ng mahigit sa 90 world leaders sa pangunguna ni US president Barrack Obama.

Sayang naman at sana ay hindi pinalampas ni P-Noy ang personal na pagdalo sa makasaysayang state funeral ni Mandela na kinikilala sa buong mundo kaugnay ng napakagandang nagawa nito na kilalanin ang anumang uri ng tao maging itim man o puti, pangit man o maganda at mayaman man o mahirap.

Kung ako Presidente, tiyak na hindi ko palulusutin ang ganitong pagkakataon pero sadyang ganito ang estilo ni P-Noy. Marahil mas pinili niya na mas unahing pagtuunan ng oras ang mga problema at gawain sa loob ng bansa.

BARRACK OBAMA

DEPARTMENT OF ENERGY

EPIRA LAW

JERICHO PETILLA

NELSON MANDELA

OIL DEREGULATION LAW

P-NOY

PETILLA

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with