GINUNITA kahapon ang Anti-Corruption Day sa buong mundo. Ang United Nation (UN), World Bank at iba pang organisasyon ay nagkakaisa sa pagsasabing ang corruption ang matinding hadlang sa pag-unlad ng bansa. Hindi umano magkakaroon ng economic progress kung laganap ang corruption. Kaya babala ng UN, WB at mga organisasyon na magbantay at patuloy na labanan ang lahat nang uri ng corruption sa pamahalaan.
Ang paglaban sa corruption ang “battle cry†ng administrasyon ni President Noynoy Aquino. “Daang matuwid†ang tatahakin ng kanyang administrasyon. Mula nang maupo noong 2010, laging ang pakikibaka sa corruption ang kanyang sinasabi. “Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan. Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan,†sabi ni President Aquino sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong 2010.
Pero sa kabila nang paglaban sa mga corrupt, marami pa rin ang hindi nasisindak. Marami pa rin ang patuloy na gumagawa ng katiwalian. Sa mga ahensiya ng pamahalaan --- Customs, DPWH, BIR ay marami pa ring mga corrupt at nagpapayaman. Maski ang mga mambabatas ay nasasangkot sa pagbubulsa ng kanilang PDAF o pork barrel.
At ang nakakahiya, maski ang food donation mula sa ibang bansa pinag-interesan ng mga local official. Hindi na nakonsensiya na pati pagkaing para sa mga binagyo sa Kabisayaan ay ninanakaw at binibenta sa mga tindahan sa Metro Manila.
Ayon sa report, ang mga pagkaing donasyon ng United Kingdom ay makikitang ibinibenta sa isang shop sa Metro Manila. Ayon sa Daily Mail, mga corrupt officials ang nagnakaw ng donasyong pagkain. Ayon pa sa report, ang corruption ang dahilan kaya marami pang biktima ng Yolanda ang hindi pa naaabutan ng tulong.
Wala nang kinatatakutan ang mga corrupt. Dapat magkaroon na ng kamay na asero ang pamahalaan para sila masindak. Hindi aangat ang bansa kung may mga corrupt.