ANG akala ni Dick ay maka kaiwas siya sa mga tanong na may kinalaman sa bisa ng Uloy nuts pero hindi pala. Sa isang pagbibigay ng lecture ay may isang lalaking nagtanong kung ano ba ang sekreto at marami siyang anak. Ang nagtanong ay isang lala-king wala pang anak sa kabila na matagal na raw silang kasal.
Dahil wala nang magawa para makaiwas at naisip din naman ni Dick na siguro ay panahon na para maibahagi ang isa sa mga magagandang naidulot ng Uloy sa tao.
“Uloy lang po ang solus-yon at wala nang iba pa,†sabi niya na ang tono ay parang nagbibiro.
Ang lalaking nagtanong ay napamaang. Para bang hindi makapaniwala.
“Sir Dick, totoo po ba o nagbibiro ka lang?’’
“Hindi po ako nagbibiro. Kaya nga po nasabi ko kanina na ang Uloy ay wonder tree. Hindi lamang ito tumutulong sa baha at soil erosion kundi gamot din. Mahusay na gamot po ang Uloy.’’
“Sa palagay mo po Sir Dick ay may posibilidad pang magkaanak kami ni Misis?’’
“Depende yan. Kung kapwa naman kayo malusog at walang probema sa inyong katawan ay maaari kayong magkaanak sa tulong ng Uloy.’’
‘‘Paano po Sir Dick?’’
‘‘Uloy nuts po. Basta kumain lang po ng Uloy nuts.’’
“Sige po gagawin ko ang sinabi mo Sir Dick. Pati po si Misis, kakain din ng Uloy Nuts.’’
“Oo. Para mas matindi ang epekto.’’
“Marami pong salamat Sir Dick.â€
“Wala pong anuman.’’
Matapos ang lecture ay marami ang nagtanong kay Dick ukol sa Uloy nuts. May naniniwala at mayroon din naming hindi. Kailangan daw ay pruweba. Sabi naman ni Dick, nasa tao na kung maniniwala sa sinabi niya o hindi. Ang sa kanya ay ibinabahagi lang ang ganda at kabutihang dulot ng Uloy tree.
MAKALIPAS ang ilang buwan, nagtaka si Dick nang maging bisita ang lalaking wala pang anak. Masayang-masaya ang lalaki.
“Sir Dick, buntis na si Misis. Totoo pala talaga ang Uloy nuts. Napaka-husay talaga, Sir.â€
Napangiti si Dick. Mayroon na namang pruweba kung gaano kabisa ang Uloy nuts. (Itutuloy)