Marahas na pagsingil

Pagsingil ng utang ay dapat maayos

Na di tulad ngayon na tila pabastos;

Pagsingil kay Pacman ay padalus-dalos

Kapapanalo lang biglang hinambalos!

 

Nag-uwi si Pacman ng bagong panalo

Pagka’t nabawi n’ya naging pagkatalo;

Pero ang mapait sa pagbalik nito

Ay matinding sapok ang kanyang natamo!

 

Palibhasa’y hangad ng taga-BIR

Na sila’y mapuri nitong Malakanyang;

Binira si Pacman sa pagkakautang

Pasalubong dito’y singil na hayagan!

 

Ang taya ni Pacman sa kanyang paglaban

Ay dugo at pawis na para sa bayan;

Pero ang ganti ng taga-BIR

Singil na marahas sa pagkakautang!

 

Show comments