^

Punto Mo

‘Hollow blocks galing langit, tinamaan nagkapunit’

- Tony Calvento - Pang-masa

ANG bawat trabaho lalo na kung ito’y nakalinya sa tinatawag na ‘blue collar jobs’ o mga trabaho kung saan ginagamit ang lakas at ‘physical skill’ ay may nakaambang panganib. Minsan kahit anong pag-iingat natin kung babagsak ang hindi maganda e siguradong tatama at tatama sa atin.

Nagtungo sa aming tanggapan si Dexter Sales, 35 taong gulang, isang ‘sampler coordinator’. Nais malaman ni Dexter kung ano ang pananagutan sa kanya ng dalawang kompanya matapos siyang mabagsakan ng hollow blocks habang nagtatrabaho. Kailangang kumayod ng extra ni Dexter dahil nabuntis niya ang kanyang nobyang si Annie. Bente uno anyos siya nang magtrabaho sa Dee Concrete Inc. Maayos naman ang naging trabaho niya sa kompanya at sunud-sunod ang kontratang natatanggap niya.

“Nadedestino ako sa iba’t-ibang lugar. Minsan may malayo, may malapit. Meron ding uwian, meron ding stay-in,” kwento ni Dexter

Nagtiyaga siya sa ganung sitwasyon lalo pa’t nadagdagan ng apat ang kanilang mga anak. Isang aksidente ang nangyari matapos niyang ihatid ang anak sa eskwelahan at pumasok sa trabaho. Ika-21 ng Oktubre habang sinisilip niya umano ang mixer ng trak kung tama ba ang ginawang halo upang masigurong matibay ang kanilang gagawin.

“Nakaupo ako sa itaas ng truck, biglang may bumagsak na matigas sa likod ko,” ani Dexter.

Hindi daw niya inasahan ang ganung pangyayari. Agad siyang pumunta sa ‘Safety Office’ ng gusali at humingi ng tulong. Pinunasan lang daw ng betadine ang tinamo niyang sugat sa likod. Labis ang kanyang pagkadismaya sa nangyari. Kinabukasan ay nagpatingin siya sa doktor upang malaman kung ano ang nangyari sa kanyang likod.

“Nagdilim ang paningin ko at talagang masakit. Ramdam ko ang sobrang kirot sa aking likuran,” pahayag ni Dexter. Ayon sa medical certificate na dala niya. “There is a straightening of the lumbar lordosis. Suggest follow up.” Pinayuhan siya ng doktor na magpahinga muna upang matiyak kung kaya na ba niya ang kanyang sarili.

“Hindi lang tatlong araw yung absent ko. Inabutan ako ng isang linggo kasi masakit talaga. Tapos pagbalik ko sa kumpanya pakiramdam ko pinag-iinitan na nila ako,” dagdag ni Dexter

Hindi na umano siya ina-assign sa field. Lagi siyang nasa opisina lang nakadestino at higit sa lahat binalewala daw ng kumpanya ang medical certificate na dala niya. Ibinawas pa din umano sa sweldo niya ang lahat ng araw na iniliban niya. Inireklamo niya ang nangyaring aksidente ngunit hindi pumanig sa kanya ang kanilang kumpanya.

“Sabi nila, malaking kli­yente daw nila yung kumpanya na yun, parang sinasabi nila na wag na daw ako magreklamo,” sabi ni Dexter. Nais ni Dexter malaman kung ano ba ang pananagutan sa kanya ng kanilang kumpanya at ng kumpanyang may-ari ng construction site na nakuha nila ang kontrata

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito Dexter.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, miyembro siya ng SSS dapat ay dun siya nag-file ng ‘leave’ upang makolekta ang perang ginastos niya sa pagpapagamot. At sa nakikita namin desidido siyang magkaso sa mga kumpanya, binigyan namin siya ng referral sa tanggapan ni Atty. June Santos ng Public Attorney’s Office (PAO) Taytay Rizal. Maari siyang magkaso ng ‘Physical Injuries’ para sa nangyari sa kanya at danyos dahil ito’y nangyari habang gingawa niya ang kanyang trabaho at Employee’s Compensation (EC). (KINALAP NI DAHLIA SACAPAÑO)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang legal  magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166 (Dahlia), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected]

vuukle comment

CITY STATE CENTRE

DEE CONCRETE INC

DEXTER

DEXTER SALES

HUSTISYA PARA SA LAHAT

JUNE SANTOS

MAARI

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with