^

Punto Mo

Pagdidisiplina

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

MAHIRAP magpalaki ng anak lalo na kung single parent. Kailangan ay parehong disciplinarian at maluwag. Pero kailan maghihigpit at kailan magluluwag?

Hindi ko akalaing sa edad ni Gummy na 2.8 years old ay mangingiyak na ko halos dahil hindi ko talaga alam kung papaano siya didisiplinahin. Marahil sa edad niyang ito bilang toddler ay nag-eexperimento siya kung ano ang resulta ng ugali niya at mga kilos. Sinubukan ko ang makiusap, minsan gumagana pero madalas ay parang hindi. Sinubukan ko na rin ang manigaw at manakot pero masama naman ito at hindi ma­inam sa kanyang kaisipan. Nakaka-guilty pa! At ang pinakahuli ko ay ang pag-ignore upang ipakita na kapag may ginawa siyang mali ay ipapakita kong wala akong paki. Pero mali. Naniniwala ako na ang una ang dapat – pakiusap.

Tamang pag-uusap ang pinaka-mainam na paraan upang mapasunod ang anak. Minsan ay matagal dahil talagang sinusubukan niya ang haba ng pasensiya mo. Nagtanung-tanong ako, nagbasa at nanaliksik at ito ang aking nalaman:     

1. Habaan pa lalo ang pasensiya sa anak sa pagtuturo ng mga bagay, lalo na ng tamang asal. Purihin siya kapag gumawa ng tama at bigyan ng premyo para mahikayat ipagpatuloy ang tamang asal.

2. Kapag nakikita mong may nais siyang gawin na hindi dapat, imbes na sabihan siya ng no ay ilihis ang kanyang atensiyon.

3. Ipaalala sa kanya na bagamat siya ay bata pa ay mayroon ka nang expectations sa kanyang asal at kilos.

4. Sa edad na 2-3, hindi pa malinaw sa kaisipan ng bata ang kahulugan at silbi ng pagpaparusa kaya iwasang gawin ito dahil hindi niya matututunan ang nais mong ituro.

5. Huwag gumamit ng kapangyarihan bilang magulang upang takutin ang anak upang mapasunod.

6. Mag-isip na parang bata. Minsan, lalo na kapag mata­lino ang anak ay nakakalimutan nating bata sila na limitado pa rin ang pag-intindi. Para hindi ma-stress, ilagay ang sarili sa kinalalagyan ng anak.

7. Huwag mamalo. Ba­gamat may mga magulang na nagsasabing minsan ay dapat makatikim din ng palo sa puwit para madala ang bata, hindi ako naniniwala rito.

Ang pagdidisiplina ay hindi tungkol sa pagpaparusa, kundi tamang guidance at positive reinforcement. Kapag may ginawang maganda ay kilalanin ito upang mahikayat silang ulitin ito.

ANAK

HABAAN

HUWAG

IPAALALA

KAPAG

MINSAN

PERO

SINUBUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with